BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG DOH-CALABARZON, PINANGALANAN NA
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
MAY bago nang itinalagang Regional Director ng DOH-CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon ) sa katauhan ni Dr Paula Paz M. Sydiongco.
Si Sydiongco ay itinalaga ni DOH Secretary Francsico T. Duque bilang bagong Officer-in-charge ng Regional Office, CALABARZON bilang kapalit ni RD Eduardo C. Janairo na nagretiro nitong November 20, 2020 sa edad na 65.
Si Syndiongco ay kasalukuyang Assistant Regional Director ng DOH-CALABARZON kung saan sa ilalim ng Department Personnel Order No. 2020-2683, gagampanan niya ang resposibilidad bilang Regional Director at tatanggap ng kaukulang benepisyo at pribelihiyo.
Sinabi ni Sydiongco na tubong Tacloban City at may 33 taon na sa serbisyo sa health department na ipagpapatuloy nito ang mga programa at mga sistema na inumipsahan ni Janairo.
“I will continue the health innovations and development programs to improved health policies and systems started by Director Janairo and ensure that health services will improve people’s health, focusing on the needs of vulnerable populations,” she stated.
Nakamit ni Sydiongco ang kanyang medical degree sa Cebu Doctor’s College of Medicine noong 1980. Nag-Masters ng Public Health sa University of the Philippines – College of Public Medicine noong 1990 at Masters in Business Administration sa Development Foundation College noong 2019.
Kabilang sa mga posiyon na hinawakan niya ay Medical Parasitologist, Rural Health Physician, District Medical Officer, Provincial DOH Representative, Division Chief at kasalukuyang Director III. (GENE ADSUARA)