• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong taxiway, CAAP building sa MCIA nagkaraon ng inagurasyon

Nagkaron ng inagurasyon ang bagong pinalaki at pinalawak na taxiway at building ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) na nasa Lapu-lapu City noong nakaraang April 5, 2021.

 

 

Ang nasabing inagurasyon ay isang hudyat na ang pamahalaan ay sinusulong ang pagkakaron ng growth at development sa Visayas kahit na panahon ng pandemya.

 

 

Si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang siyang namuno sa inagurasyon ng pinalaking taxiway at building ng CAAP kung saan ito ay magkakaron ng mas madaming aircraft parking capacity mula sa 40 na ngayon ay 50 slots na.

 

 

“Likewise, maximum aircraft movement capacity at the taxiway is now increased from the previous 35 aircraft per hour to 40 per hour,” ayon kay Tugade.

 

 

Dahil sa upgraded na taxiway, inaasahang mas dadami pa ang mabibigyan ng trabaho dahil sa pagbubukas ng mga locators at bagong concessionaires lalo na ngayon na mas maraming malalaking aircraft ang maaring gumamit ng expanded taxiway.

 

 

Pinasiyanan rin ni Tugade ang bagong dalawang-palapag na CAAP Administration Building na nasa loob ng MCIA complex na mayroon ibat-ibang facilities upang ang CAAP ay makapagbigay ng magandang serbisyo sa kanilang mga stakeholders.

 

 

Dagdap pa ni Tugade na marami pa na mga bagong facilities sa loob ng MCIA ang gagawin na ayon sa programa ng Build, Build, Build ng pamahalaan.

 

 

Ang iba pa na kanyang tiningnan ay ang ginagawang pagtatayo ng pasilidad ng MCIA Terminal 2 at ang MCIA Corporate Building na inaasahang magkakaron ng inagurasyon sa darating na July 31.

 

 

Sinabi naman ni presidential assistant for the Visayas Michael Dino na utang na loob nila kay Tugade at sa kanyang team ang pagsusulong na magkaron ang Cebu ng isang makabagong airport na kanilang kailangan upang ang Visayas region ay makabangon at magbukas ng ekonomiya.

 

 

Si Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA) officer-in-charge Glen Napuli ang nagsabi na dahil sa pagdalaw ni Tugade sa MCIA Terminal 2, ito ang nagbigay ng moral booster sa aviation at airport frontliners na nagtratrabaho kahit na panahon ng pandemya.

 

 

“I never get tired of these programs that provide happiness and convenience to the nation, especially for Cebu… Cebu is important to us. President Duterte loves Cebu,” dagdag pa ni Tugade.

 

 

Binigyan pansin din ni Tugade ang suporta at tulong ng CAAP sa pangunguna ni director general Jim Sydiongco at ng MCIAA na pinapagpatuloy ang mga airport development projects na makakaganda sa pagunlad ng air connectivity, job opportunities at tourism sa Visayas.

 

 

Hindi lamang MCIA ang inaayos, kasama na rin ang Bantayan airport sa Visayas na ngayon ay may 94.67 percent ng tapos at inaashang magkakaron ng inagurasyon sa second quarter ng taon.

 

 

Samantala, ang DOTr at Cebu Port Authority (CPA) ay natapos na rin ang mga seaport projects sa Pilar, Malapascua at Maya. May apat pa na projects ang ngayon ay ginagawa sa Bantayan, Consolacion, Cebu Baseport at San Fernando.

 

 

Noong nakaraan buwan naman ay nagkaron din ng inagurasyon ang development project sa Calbayog airport sa Samar.  (LASACMAR)

Other News
  • DAHIL SA SELOS, LALAKI, KINATAY ANG LIVE-IN PARTNER

    DAHIL sa selos at pagtangging muling magkabalikan, pinatay ang  isang 31-anyos na dalaga habang inoobserbahan ang kasama nito sa bahay  nang pagsasaksakin ng kanyang dating live-in partner saka rin ito nagsaksak sa sarili sa Imus City, Cavite Huwebes ng hapon,     Kinilala ang biktima na si Janna Harodin Jama ng Ramirez Compound Brgy. Buhay […]

  • DA, ipinag-utos na ang pagbuo ng National Agricultural and Fishery Mechanization Program

    INIHAHANDA  na ng Department of Agriculture ang mechanization plan nito para sa 2023-2028.     Ito ay matapos na ilabas ng ahensiya ang isang isang department order na siyang bubuo sa National Agricultural and Fishery Mechanization Program (NAFMP) sa kabuuan ng nasabing panahon.     Sa ilalim ng Agricultural and Fisheries Mechanization Law, kailangang bumuo […]

  • 42 grupo bilang partylist at koalisyon, pinapakansela ng Comelec

    IPINAG-UTOS ng Commission en banc ang pagkansela sa registration at pagtanggal sa listahan ang 42 grupo bilang Partylist at koalisyon.   Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na sa desisyon ng en banc ngayong araw , natuloy na bigong lumahok sa nagdaang dalawang eleksyon ang 11 organisasyon.   Bigo namang makakuha ng dalawang porsyiemto ng […]