• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong testing at quarantine protocols, epektibo sa Pebrero 1

MAGPAPATUPAD ng bagong testing at quarantine protocols, epektibo sa Pebrero 1 ang Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Sa katunayan ay pinagtibay ng IATF kahapon, Enero 26, 2021 ang sumusunod na testing at quarantine protocols para sa lahat ng tao na papayagang makapasok ng Pilipinas.

 

Ang mga darating na pasahero saan man manggagaling ay kailangan na sumailalim sa facility-based quarantine sa oras na dumating.

 

Pagtapos nito ay sasailalim sila sa RT-PCR test sa ikalimang araw mula sa petsa ng kanilang pagdating sa bansa maliban na lamang kung ang pasahero ay nagpakita ng sintomas sa mas maagang petsa habang naka-quarantine.

 

Sinabi ng Malakanyang na magpapalabas ng operational guidelines ang IATF ukol dito bago ang Pebrero 1.

 

Sa kabilang dako, ang pasahero na nasuri na negatibo ay ie-endorso sa local government unit sa destinasyon kung saan ang pasahero ay ipagpapatuloy ang natitirang fourteen-day quarantine sa ilalim ng mahigpit na monitoring ng LGU.

 

Mahigpit na tagubilin ng IATF na sundin ang appropriate patient management alinsunod narin sa guidelines ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases at ng Department of Health Omnibus Guidelines on Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration Strategies for COVID-19.

 

Maliban dito, sa naging pulong din ng IATF ay napagdesisyunan na ipagpaliban ang relaxation o pagpapaluwag sa age-based restrictions sa mga lugar sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) bilang pagsunod sa naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Samantala, upang matiyak na “accurate, timely at efficient” ang distribusyon at pangangasiwa ng COVID-19 vaccines, pinahintulutan ng IATF ang Department of Information and Communications Technology (DICT) “to perform actions necessary to procure the services of a qualified third-party service provider to cater to all services pertaining to the design approval, IT project implementation, and service management of the Philippine COVID-19 Vaccine Information Management System (VIMS). ”

 

Binigyan din ng kapangyatihan ang DICT na bumalangkas ng standards na alamin ang kuwalipikasyon ng third-party service provider na magsasagawa ng kakailanganing serbisyo sa VIMS.

 

Ang magiging tungkulin ng Philippine COVID-19 VIMS ay kinabibilangan ng Citizen Vaccination Capture and Automation; Provide Management and Automation; Supply Chain Management; and VIMS Dashboarding, Reporting, at Analytics.

 

“It shall be the key process automation and data capture, storage, processing, and analytics system for the immunization and administration and supply chain management of the COVID-19 vaccines,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, duda na kasama si Lorenzana sa nagpaplanong patalsikin siya sa puwesto at maglagay ng revolutionary government

    DUDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sasama si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa anumang pagkilos para patalsikin siya sa puwesto at maglagay ng revolutionary government.   Para kay Pangulong Duterte, isang malaking kalokohan na isipin pa ni Lorenzana ang magtatag ng revolutionary government at manguna na patalsikin siya sa puwesto.   “Do you think […]

  • Mga lider ng Kamara, nanawagan ng nagkakaisang tugon sa krisis sa klima

    Matapos ang pananalanta ng mga malalakas na bagyo sa bansa ay nanawagan ang mga lider ng kamara sa pulong ng Pandaigdigang Parlyametaryan ng Climate Vulnerable Forum (CVF) upang magkaisa sa pagtugon sa pamamagitan ng pagsisikap ng lehislatura para mapagaan ang lumalalang epekto ng pabago-bagong klima ng panahon.   Ang CVF Global Parliamentarians Meeting na ginanap […]

  • ERIN OCAMPO, tinutukoy na third party sa hiwalayang ALJUR at KYLIE

    SI Erin Ocampo ang diumano’y tinutukoy na third party raw sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.     Hindi na kami magtataka kung isang araw, magsalita ito.     Isang malapit kay Erin ang nakausap namin at nakakaalam ng totoong pangyayari sa totoong naging dahilan daw ng hiwalayang Kylie at Aljur.  Alam din nito kung […]