• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong voter registration system na “Register anywhere,” kasado na-Comelec

KASADO na para sa pilot testing ang panibagong sistema ng Commission on Elections na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga voter registrants na makapagparehistro kahit hindi sa kanilang siyudad o bayan na kinabibilangan.

 

 

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, bunsod ng pagiging abala ng mga dapat na magparehistro ay nababawasan ang pagkakataon na sila ay makapag-patala o di kaya kailangan pang umabsent sa trabaho.

 

 

Kaya aniya  sa pamamagitan aniya ng “Register anywhere system,” ay maaari ng makapagpa-rehistro,  halimbawa sa ilalagay nilang booth sa isang mall na duon ay , gagawin na ang thumbprint… pagpapalitrato at iba pang proseso na ginagawa sa voters registration.

 

 

“Kung natatandaan ninyo po, ang proseso kasi ng ating pagrirehistro sa Republic Act 8189, kailangang pumunta tayo doon sa tanggapan namin or doon sa satellite registration be it in a mall or covered court or kung saan mismo kung saan ka naka-resident – city or municipality,” ayon kay Laudiangco.

 

 

“Ang mahirap po dito kasi…  iyong mga kababayan natin kadalasan nagtatrabaho sa siyudad o munisipyo na kung saan hindi sila nakatira. Nababawasan iyong pagkakataon at masyadong abala sa kanila na mag-a-absent pa sa trabaho para lang makarehistro,” wika pa nito.

 

 

Wika pa ni Laudiangco, lahat  ng datos na nakuha sa isang nagparehistro ay ipadadala sa tanggapan na nakasasakop kung saan residente ang isang registered voter kung kayat ang posting ng pangalan ay sa munisipyo pa rin ng isang nag-avail ng register anywhere.

 

 

Samantala, kapag naging matagumpay ni Laudiangco ang pilot testing sa National Capital Region ay iro- roll out aniya nila ito sa buong bansa.

Other News
  • Mukhang open na pag-usapan ang lovelife… JULIE ANNE, inamin na matagal sa silang close ni RAYVER at comfortable kasama

    MUKHANG open na si Kapuso Limitless Actress Julie Anne San Jose, na pag-usapan ang tungkol sa lovelife.              Yesterday, sa noontime show ng GMA-7 na “All-Out Sundays,” na summer vacation na ang topic, naitanong ni Alden Richards sa mga kasama niyang sina Julie Anne, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez at Barbie […]

  • ‘Friends’, nai-record uli after four decades: JACKIE LOU, labis-labis ang pasasalamat kay SHARON sa kanilang duet

    PAGKARAAN ng apat na dekada, muling nai-record ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang ’80s hit na “Friends,” na kung saan kasama ang matalik na kaibigan na si Jackie Lou Blanco.     Sa Instagram ni Sharon, ibinahagi nga niya ang ilan sa mga lines ng song, na isinulat ni George Canseco para sa kanilang 1983 […]

  • PBBM, nakiisa sa sambayanang Filipino sa paggunita sa ika-11 taong anibersaryo ng bagyong Yolanda

    SA GITNA ng nagpapatuloy na pagbangon mula sa mga bagyong Kristine at Leon, ginunita ng sambayanang Filipino ang ika- 11 taong anibersaryo ng bagyong Yolanda.       “Our ongoing crucibles remind us that the powerful lessons brought by the strongest typhoon in history should not be lost with the passage of time,” ayon kay […]