Bagsak presyo ng bigas, mararamdaman sa Enero
- Published on September 21, 2024
- by @peoplesbalita
TINAYA ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na sa Enero ng susunod na taon pa mararamdman ng taumbayan ang bagsak presyo ng bigas sa bansa.
Ito ayon kay Laurel ay kahit na nagdesisyon ang pamahalaan na bawasan ang taripa sa importasyon ng bigas simula sa susunod na buwan ng Oktubre.
Aniya, hindi pa nakakabangon ang mga rice traders sa naging epekto sa kanila ng nagdaang El Nino Phenomenon kayat bagama’t nagdesisyon ang pamahalaan na ipatupad ang pagbabawas sa tariff imports sa bansa ay sa Enero pa ng susunod na taon mararamdaman ang bagsak presyo ng bigas dahil sa nagdaang kalamidad.
Una nang nalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Executive Order 62 na nagsasaad ng pagbaba ng taripa sa rice imports ng 15% mula sa dating 35%. Sa pamamagitan nito ay inaasahan ang pagbaba ng halaga ng bigas.
Tinaya ng mga economic managers na aabutin ng P5 hanggang P7 ang bawas presyo sa bigas kada kilo dahil sa pagbaba ng tariff imports.
Sa ngayon ang presyo sa mga palengke at pamilihan ng well miled rice ay nasa P37 hanggang P42 kilo, Sinandomeng – P36 hanggang P42, Denorado – P48 hanggang P55, Angelica- P43 hanggang P46, Jasmine P46-P52 at Malagkit P60 kada kilo.
-
Alice Guo, Cassandra Li Ong at Atty. Harry Roque, ipatatawag sa Quad Comm
INIMBITAHAN ng Quad Committee ngayong Huwebes sina Alice Guo. Cassandra li Ong at Atty. Harry Roque, kung saan sesentro sa operasyon ng illegal pogo hubs ang ika-anim na pagdinig ng Quad Committee. Ayon kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, tagapamuno ng Quad Comm, iimbitahan ng komite sina Alice Guo, Cassandra Li Ong […]
-
Tuloy na tuloy na sa MET ngayong November 27: BOY at ICE, sanib-puwersa sa ikalimang edisyon ng ‘The EDDYS’
TULOY na tuloy na ang ikalimang edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa darating na November 27 sa Metropolitan Theater (MET). Ito ang pagbabalik ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa face-to-face event matapos ang virtual na pagdaraos ng 4th Eddys nitong nagdaang 2021. Ang OPM icon […]
-
Doon lang nag-sink in na tuloy na tuloy ang paglipad niya: JANE, mangiyak-ngiyak nang naisuot na ang costume at headdress ni ‘Darna’
IPINAKILALA na ang Darna TV series star na si Jane de Leon bilang new brand ambassador ng Sante Barley and Daily C sa ginanap na launching sa Dusit Thani Manila sa Makati City. At sa naganap na short media interview, ibinahagi ni Jane na napanood niya halos lahat ng Darna movies and series, […]