Bagyong Paeng magpapa-ulan sa Undas
- Published on October 29, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na magpapa-ulan sa panahon ng Undas ang bagyong Paeng na nasa bansa na ngayon.
Kahapon alas-11 ng umaga, si Paeng ay huling namataan sa layong 540 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar at kumikilos pakanluran timog silangan sa bilis na 10 km bawat oras.
Taglay ni Paeng ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 km at bugso na aabot sa 80 km bawat oras.
Bunsod nito, nakataas ang Signal number 1 sa ilang lugar sa Luzon at Visayas.
Ngayong Biyernes ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa buong Bicol Region at Eastern Visayas.
Dahil sa Shear Line at trough ni Bagyong Paeng, malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Visayas, Southern Luzon, at northern portion ng Mindanao.
Sa Sabado, si Paeng ay lalapit sa Catanduanes at inaasahan na magla-landfall sa Linggo sa baybayin ng eastern portions ng Central Luzon o Cagayan Valley.
Sa susunod na 24 oras, maaabot ni Paeng ang severe tropical storm category at lalakas pa sa Sabado. (Daris Jose)
-
Panlaban sa init, Valenzuela naglagay ng mobile showers
DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon. Ngayong taon, sunud-sunod na […]
-
Natupad ang wish na suportahan ang sampung entries: VILMA, inaming nag-ambag si RALPH sa movie ni PIOLO
KUNG itinanggi ni Vilma Santos ang pagiging producer ng pelikula nila ng kanyang favorite leading man na si Christopher De Leon na “When I Met You In Tokyo”, inamin naman niyang may naging ambag sa pelikulang “Mallari” si Cong. Ralph Recto. Sey pa ng multi-award winning actress, nag-share lang daw sa movie na pinagbibidahan […]
-
Finnish envoy, pinasalamatan si PBBM sa muling pagbubukas ng PH embassy sa Helsinki
PINASALAMATAN ni Outgoing Finnish Ambassador Juha Markus Pyykkö si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa muling pagbubukas ng Philippine embassy sa Helsinki, Finland ngayong taon. Sa kanyang farewell call kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, nagpahayag ng matinding kagalakan si Pyykkö sa muling pagbubukas ng Philippine Embassy sa […]