• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baha dulot ng Ulysses, iimbestigahan ng Kamara

Pinaiimbestigahan ng Kamara, bilang ayuda sa lehislasyon, ang dahilan ng malawakang pagbaha na nagpalubog sa Cagayan at Isabela sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

 

Inihain nina Speaker Lord Allan Velasco at Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, kasama si Minority Leader Joseph Stephen Paduano, ang House Resolution 1348 na nag-aatas sa kaukulang komite na agad na magsiyasat hinggil sa malawakang baha.

 

“Habang tumataas ang bilang ng mga nasawi ay unti-unti nating nakikita ang lawak ng pinsala, kinakailangan nating masuri ang mga hakbang na ginawa sa kasagsagan ng bagyo, bago at matapos ang bagyong Ulysses,” ani Velasco.

 

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 67 ang nasawi at 20 ang nawawala sanhi ng bagyong Ulysses at ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura ay tinatayang aabot na sa P1.5-bilyon.

 

Sa kanilang panawagan para sa imbestigasyon, binanggit ng tatlong pinuno ang “bigat ng walang katulad na kalagayan, ang kakayahan ng bansa sa mga natural na kalamidad at ang pangangailangan na maiwasan na maulit na mangyari muli ang mga kalamidad na ganito.”

 

Nais din nilang imbestigahan ang mga pangyayari sa likod ng mabilis na pagtaas ng tubig sa mga imbakan, at ang hindi pagtalima sa mga batas, patakaran at regulasyon na posibleng may epekto sa pag-angat ng tubig sa Cagayan River.

 

Gayundin ang pagrepaso sa desisyon ng National Irrigation Administration na buksan ang spillway gates ng Magat Dam, at kung ang ginawang hakbang ay naaayon sa umiiral na patakaran at protocol.

 

Dahil na rin sa mga kaganapan at prediksyon ng category 4 na lakas ng bagyo, sinabi ng mga ito na dapat ay naalarma na ang mga ahensiya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang mabawasan ang mapanganib na epektong idudulot nito sa mga komunidad.

 

Ang pinsala ay sanhi umano sa pagtaas ng Cagayan River na napuno ng tubig ulan na nanggaling sa 18 sanga ng ilog, at ang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam na lumampas na rin sa antas ng dinadalang tubig sa imbakan.

 

Napaulat din na sa gitna ng bagyong Ulysses ay pitong gates ng Magat Dam ang binuksan at nagpakawala ng tubig mula sa imbakan ng tubig na mabilis na nagpabaha sa malawak na lugar sa palibot ng dam.

 

Matapos na lumabas ng bansa ang bagyong Ulysses ay patuloy pa ring nakalubog ang maraming bahagi ng Cagayan at Isabela, at marami pa ring mamamayan ang nananatili sa bubong ng kanilang mga bahay na walang pagkain at tubig.  (ARA ROMERO)

Other News
  • Suggested prices sa mga noche buena products inilabas na ng DTI

    INILABAS na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price (SRP) ng mga noche buena products ngayong 2020.   Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, napakiusapan nila ang mga manufacturers na ang gagamiting presyo ngayong taon ay parehas din noong 2019.   Isa aniya itong paraan para matulungan ang mga consumers na […]

  • Joshua, umaming walang lovelife after Julia dahil sa iba naka-focus

    ISA ang adobo sa specialty na itinuro kay Joshua Garcia ng tatay niyang magaling magluto na itinuro rin sa kanya ng nanay niya, bale lola ng aktor.   Natikman kaya ni Julia Barretto ang lutong adobo ng ex-boyfriend niyang si Joshua noong magkarelasyon pa sila?   Sa latest vlog ni Erich Gonzales nang i-upload ilang […]

  • Pinoy boxer Michael Dasmariñas todo na ang ensayo sa ilalim ni Freddie Roach

    Agad na sinimulan ni Filipino boxer Michael Dasmariñas ang kaniyang ensayo sa ilalim ni trainer Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.     Nasa huling yugto na kasi ng kaniyang paghahanda ang Filipino boxer para sa laban niya kay IBF at WBA Super World bantamweight champion Naoya Inoue na gaganapin sa […]