• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bakuna para sa COVID-19 baka magawa sa 18 buwan

Sinabi ng World Health Organization (WHO) na posibleng magkaroon na ng unang bakuna laban sa novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang 18 buwan.

 

“It may be 18 months before the first vaccine is available, so we have to do everything today, using available weapons,” pahayag ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang media briefing sa Geneva, Switzerland noong Pebrero 11.

 

As of February 14, 2020, tatlo pa rin ang nagpositibo habang 191 persons under investigation (PUI) na nasa ospital at binabantayan dahil sa COVID-19.

 

Higit 1,300 naman ang namatay habang higit 64,000 ang tinamaan ng nasabing sakit sa daigdig.

 

Ayon sa The Conversation, mula dalawa hanggang limang taon ang karaniwang tinatagal para makapag-develop ng mga bakuna, ngunit pwede itong mapabilis sa pagtutulungan ng mga bansa at sa dating impormasyon ukol sa mga coronavirus vaccine.