Bakuna sa COVID-19 na galing US at Europa, nakakuha ng pinakamataas na confidence rate
- Published on February 8, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAYANG 75% ang nagsasabing kumpiyansa sila sa bakunang manggagaling sa United States at Europa.
Ito ang naging pahayag ni dating DOH secretary at health expert na si Dra. Esperanza Cabral batay na rin sa survey na isinagawa ng UST COVAX Research Group.
Batay sa inilahad ni Esperanza na survey, lumalabas na wala pa sa 40% ang tiwala naman para sa vaccine sa COVID na magmumula sa Russia.
Ito ani Cabral ay pumapatak lamang sa 38.6 percent.
Malinaw naman na nasa huling posisyon ang China sa usapin ng tiwala sa bakunang manggagaling dito na hindi pa umabot ng 20% gayung itoy nasa 17.7 percent lamang.
“Kung ang pag-uusapan naman ay ang kumpiyansa nila sa bakuna, ay mayroong epekto ang pinanggalingan ng bakuna. Dito sa survey ng UST COVAX Research Group ay makikita na pinakamalaki ang kumpiyansa sa mga bakuna na galing sa Amerika at sa Europa. 75% mahigit ay nagsasabi na mayroon silang kumpiyansa kung ang bakuna ay manggagaling sa United States at sa Europa. Wala pang 40% ang may kumpiyansa kung manggagaling sa Russia ang bakuna at wala pang 20% ang may kumpiyansa sa bakuna na galing sa China. So, ito ang mga problema na sinusuong natin. Napakaganda,” ayon kay Cabral. (Daris Jose)
-
NAVOTAS NAKAPAGTALA NG PINAKAMABABANG ACTIVE COVID CASES NGAYONG TAON
NAKAPAGTALA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pinakamababang active COVID-19 cases ngayong taon. Tatlo na lamang ang natitirang COVID patients ng Navotas kasunod ng limang araw na magkakasunod na zero daily case reports. Nagpasalamat naman si Congressman-elect Mayor Toby Tiangco at Congressman Mayor-elect John Rey Tiangco sa mga Navoteños para sa […]
-
Lakers ipinaliwanag ang hindi pagbisita nila sa White House
Nakatakda kasing maglaro ang Lakers sa homecourt ng Washington Wizards sa Abril 28 at tradisyon na sa NBA na ang sinumang championship teams na dadayo sa Washington ay didiretso ng bibisita na rin sa White House. Nagpahayag na rin ang ilang manlalaro ng Lakers gaya ni LeBron James na nais niyang makipagkita kay […]
-
“PAW PATROL: THE MIGHTY MOVIE” BREAKS GUINNESS WORLD RECORDS TITLE FOR MOST DOGS ATTENDING A FILM SCREENING!
LOS ANGELES, September 24, 2023 – Two paws up for PAW Patrol: The Mighty Movie breaking the GUINNESS WORLD RECORDS official title for Most Dogs Attending a Film Screening in honor of its release, only in theaters October 11, 2023. Families and their furry friends came together to break the record for “Most Dogs Attending A Film […]