• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balandra sa unang tropeo ni Tautuaa

HALOS walang pagsidlan ng tuwa si Moala Tautuaa sa buwena-manong individual trophy na nakamit sa may limang taong paglalaro sa iba’t ibang koponan sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

Sa Leopoldo Awards Night na nagbukas sa ika-45 taon ng propesyonal na liga sa Araneta Coliseum sa Quezon City, ang San Miguel Beer center ang nag-uwi ng Most Improved Player award trophy.

 

Kumayod ng game-high 20 points, 11 rebounds, 2 assists, 2 blocks at 1 steal para bidahan ang Beermen sa 94-78 demolisyon laban sa Magnolia Hotshots sa pagtaas ng kurtina ng Philippine Cup.

 

Paglabas ng dugout ng Big Dome game na game niyang pinagbandahan mula sa gym bag ang Leopoldo trophy.
“I finally got something, you know, I was proud of,?” tuwang-tuwa niyang bulalas. “I mean, I worked hard, and I just wanted to get something from last conference, making sure to award myself. To let myself know to keep going.”
Isang Top pick ng TNT noong 2015 ang 6-foot-8 slotman, nalagak sa GlobalPort noong 2018 saka nai-trade sa serbesa ang 30-anyos na Fil-Tongan noong October sa Governors Cup kapalit ni Christian Standhardinger.

 

Maski back up siya kay June Mar Fajardo, itinuloy ni Tautuaa ang magandang larong nasimulan sa Batang Pier para mgbunga ang pagsisikap at determinasyon.

 

“You know, if I keep working, something will come from it,” dagdag niya. “And I finally got something from it. I mean, I keep going now,” satsat nito sa media.

 

May mas malaking papel ang gagampanan niya ngayon sa SMB dahil injured si Fajardo, mawawala sa halos buong taon. Si Tautuaa ang bagong main big ng Beermen. Tanggap naman niya ito, pero mabilis ding isinama sa equation ang mga kakampi.

 

“You saw me today, I was getting the ball quite often,” pangwakas niyang sambit. “Right now, it’s an equal opportunity team. We gotta play together, so yes, it’s the same thing like in NorthPort where they’re gonna give it to the open man and expose what?s working,”

 

Maligayang pagbati sa iyo Moala, Mabuhay ka.

Other News
  • Turismo sa Tagaytay malakas pa rin sa kabila ng pag-aalboroto ng Taal Volcano

    NANANATILI RAW malakas ang turismo sa Tagaytay sa kabila nang pag-aalboroto ng Taal Volcano.     Sinabi ni Tagaytay City Public Information Officer Angie Batongbacal na hindi naman daw nabawasan ang mga turistang namamasyal sa Tagaytay sa kabila ng nagaganap na aktibidad ng bulkan.     Aniya, pareho lamang daw na malakas ang turismo bago […]

  • Pagkatapos na maisilang ang first baby: BIANCA, na-miss agad at gustong mabuntis uli

    PAGKATAPOS na isilang ang kanyang first baby noong nakaraang buwan, miss na raw ulit ni Bianca King ang maging buntis.     Sa kanyang isang post sa Instagram, sinabi ni Bianca ay, ““I miss being pregnant. I wanna do it again.”     Hindi naman tinago ni Bianca sa social media ang kanyang postpartum belly. […]

  • PBBM, pinagtibay ang ugnayan sa Estados Unidos, itinaon sa pagdiriwang ng Philippine-American friendship day

    PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos kasabay ng pagdiriwang Amerika ng kanilang Independence Day.     Nagkataon naman ito sa Philippine-American Friendship Day.     Sa isang tweet, inilarawan ng Pangulo ang Philippines-US relations bilang  “deep connection… built on the foundation of trust and collaboration.”     “As […]