• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balanseng training susi ng Creamline

TAGUMPAY na nairaos ng Sports Vision Management Group, Inc. ang 2nd Premier Volleyball League 2022 Open Conference nitong Marso 16-Abril 8 na mga ginanap sa Paco Arena sa Maynila, The Arena sa San Juan City, Mall of Asia Arena sa Pasay at Ynares Center sa Antipolo.

 

 

Pinagreynahan ang siyam na koponang torneo ng Creamline na winalis sa best-of-three finals (2-0) ang Petro Gazz. Kumukumpleto sa podium finish ang Cignal na wagi via tiebreak tapos mag-1-1 ang race-to-two win series kontra Choco Mucho.

 

 

Ang pumang-apat hanggang pumangsiyam sa torneo ay ang Flying Titans, PLDT, F2 Logistics, Black Mamba Army, Chery Tiggo at BaliPure.

 

 

Sa post game interview ng ilan kong mga kabaro, isiniwalat ni Finals Most Valuable Player Cool Smashers skipper Alyssa Valdez ang naging susi ng team sa tagumpay.

 

 

“We’re just so grateful sa mga coaching staff namin. Alam nila kung paano ang training namin, well-balanced talaga, and I think that was one of our advantages coming to this season,” litanya ng 28-taong-gulang, 5-9 ang taas na dalagang tubong San Juan, Batangas.

 

 

Kasama rin sa mga pinarangalan ang tropa niyang si Conference MVP/Best Opposite Spiker Diana Mae Carlos, HD Spikers Frances Xinia Molina (1st Best Outside Spiker), Roselyn Doria (1st Best Middle Blocker), Marivic Velaine Meneses (2nd Best Middle Blocker) at Maria Angelica Cayuna (Best Setter).

 

 

Kumukumpleto sa awardees sina Angel Grethcel Soltones (2nd Best Outside Spiker) at Cargo Mover Dawn Nicole Macandili (Best Libero).

 

 

Sa pagmaando ni coach Sherwin Meneses, ang iba pang kasapi ng Creamline ay sina Kyle Angela Negrito, Risa Sato, Fille Cainglet-Cayetano, Jeanette Panaga, Jorella Marie De Jesus, Maria Paulina Soriano, Kyla Llana Atienza, Julia Melissa Morado-De Guzman, Celine Elaiza Domingo, Rizza Jane Mandapat, Jessica Margarett Galanza at Rosemarie Vargas.

 

 

Mula po sa OD, mabuhay po kayong lahat! (REC)

Other News
  • Ang mga referee sa laro ng JRU-Benilde ay inilagay sa ilalim ng preventive suspension

    Ang mga opisyal na humawak sa laro sa pagitan ng Jose Rizal University at St. Benilde ay pawang isinailalim sa preventive suspension ng liga sa pagbagsak ng John Amores rampage.   Inihayag ni Herc Callanta ng Lyceum, ang chairman ng adhoc investigation committee, na ang mga referees na sina Anthony Sulit, Dennis Escaros, at Antonio […]

  • INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco

    INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco, sa pangunguna ng NavotaAs Hanapbuhay Center ang One School, One Product (OSOP) na naglalayong turuan ang mga mag-aaral na i-develop ang kanilang entrepreneurial skills at makalikha sila ng isang produkto na maaari nilang i-market. (Richard Mesa)

  • Marvel Studios Head Kevin Feige was Blown Away by the First Footage of ‘Guardians of the Galaxy Vol. 3’

    MARVEL Studios and Kevin Feige are extremely excited about the first footage they’ve seen of Guardians of the Galaxy Vol. 3, says director James Gunn.     Set to be released on May 5, 2023, it is the third film in the Guardians of the Galaxy series and set to be the final installment in a trilogy for the […]