Baldwin tiwala sa Gilas squad
- Published on June 26, 2021
- by @peoplesbalita
Masaya si Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin sa ipinamalas ng kanyang bataan sa tuneup game nito laban sa China sa kabila ng 79-all pagtatapos ng laban.
Nagawang makuha ng Gilas squad ang 78-71 kalamangan sa huling isang minuto ng laro.
Subalit nagpasabog ang China ng matinding opensa sa mga sumunod na pangyayari upang maitabla ang iskor sa 79-all sa pagtatapos ng laro.
Umiskor si Kai Sotto ng 13 puntos habang may tig-12 naman sina Angelo Kouame at Jordan Heading, at siyam na puntos si RJ Abarrientos.
Nagdagdag sina Justine Baltazar at William Navarro ng tig-walong puntos para sa Gilas.
“China played very physical basketball and it pushed us to the limit, they got off to a good start. I was pleased with the way the guys responded, it was a high-energy game,” ani Baldwin.
Umaasa si Baldwin na maraming natutunan ang bagitong Gilas squad sa naturang laro na madadala nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na lalarga sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.
Umalis na kagabi ang Gilas Pilipinas patungong Belgrade kung saan hindi na ito muli pang sasalang sa tuneup games doon bago ang laban upang makaiwas sa anumang injury.
May injury na sina Dwight Ramos at Carl Tamayo na hindi nasilayan sa tuneup game laban sa China.
Subalit tiniyak naman ng Gilas coaching staff na magiging maayos na ang lagay ng mga ito bago magsimula ang Olympic qualifying.
-
Tinaguriang kanang kamay ni Pope Francis nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang tinuturing na kanang kamay ni Pope Francis na si Cardinal Pietro Parolin. Kinumpirma ni Vatican spokesman Matteo Bruni ang pagpositibo sa virus ng 67-anyos na ikalawang mataas na opisyal ng Vatican. Kasalukuyan na rin itong naka-isolate matapos na makaranas ng katamtamang sintomas mula sa nasabing sakit. […]
-
Tuloy ang pagpapatupad ng mga programa at polisiya sa AFP
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Council of Sergeants Major na magpapatuloy ang mga ipinatutupad ng mga programa at polisiya na naglalayong i-promote ang kapakanan ng mga ito at ng kanilang pamilya. Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na taunang ‘traditional dinner’ para sa […]
-
Higit 17 milyong SIM cards, nairehistro na; registration hanggang Abril 26
UMAABOT na umano sa mahigit 17 milyon ang mga SIM cards na nairehistro na sa bansa. Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), batay sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC), hanggang Enero 10, 2023, umaabot na sa mahigit 17 milyon ang rehistradong SIM cards. Ito ay 10.13% anila […]