• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik-acting na sa ‘Black Rider’: MICHELLE, excited na sa magiging role at makapag-motor

NOONG mag-guest si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, tinanong sa kanya ang final question sa Miss Universe na, “If you could live one year in another woman’s shoes, who would you choose and why?”

Sagot ni Michelle: “If I could choose to live in any woman’s shoes, it would be Apo Whang-Od. She’s an amazing symbol of cultural preservation. She’s an amazing symbol of ageism. She has been defying boundaries, stereotypes, and that is something that I have tried to inspire everybody around me as well, which is to own your unique story, own your traditions, love where you came from, love who you’re with, who you’re surrounded with. And truly, with that unique story, you can make your country proud. You can show the universe what your country has to offer. In my case, my love for my country can shake the whole universe as well.”

At sa pagbalik sa pag-arte ni Michelle, isasama na siya sa cast ng GMA Public Affairs primetime teleserye na ‘Black Rider’ na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

“It’s so exciting kasi makakasakay ulit ako ng motor. I think with that role I can ride motorcycles more. I’m just ultimately excited.

“I’m very grateful also that pagbalik ko may trabaho na agad!” sey ni Michelle sa naganap na Homecoming Media Conference sa GMA Studio 7 noong November 30.

***

GMA Public Affairs’ health program Pinoy MD ay mag-celebrate ng kanilang 13th anniversary on December 2.

Mag-feature sila ng dalawang compelling segments na tatalakay sa secrets of longevity and the importance of sustainable, healthy, living.

Sa “Isandaan: Ang Sikreto ng mga Centenarian,” Pinoy MD explores the fascinating stories and lifestyles ng mga centenarians mula Benguet na ang mga edad lumalagpas sa 100. Mag-share si Lola Kinay ng kanyang sikreto sa kanyang mahabang buhay at kung ano ang kanyang mga naging lifestyle choices, cultural practices, and community support na naka-contribute sa kanyang buhay.

Sa “The Green Plate: Urban Farm to Table,” isang 81-year old restaurant owner na taga-Alfonso, Cavite ang nakapanayam ng Pinoy MD dahil ang claims nito ay never itong nag-take ng anumang medication at no ailments siya. Ang kanyang sikreto ay may sarili siyang garden kunsaan niya kinukuha ang kanyang mga pagkain at ihahanda rin sa kanyang restaurant. Ang concept na ito ay “Urban Farm to Table,” kunsaan binibigyang halaga ang fresh, locally sourced, and organic produce in promoting a healthy lifestyle.

(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Pacquiao nagbalik-tanaw sa 1988 Japanese license

    SA pamamagitan ng isang throwback photo, ginunita ni eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao ang kanyang  pro boxing license na inisyu taong 1998 pa ng Japan Boxing Commission (JBC).     Ipinaskil nitong Miyerkoles ng 42-anyos,6-2 ang taas, tubong Kibawe, Bukidnon,  kasalukuyan ding senador at huling umakyat ng ruwedang parisukat noong 2019 via […]

  • Aminadong naisip niya noon na mag-suicide: MATT, bumuti ang mental health nang mapasama sa ‘Voltes V’ team

    NAGING malaking tulong daw kay Matt Lozano ang mapasama sa ‘Voltes V: Legacy’ para bumuti ang lagay ng kanyang mental health.       Kung noon daw ay naisip pa niyang mag-suicide dahil sa nararamdaman niyang lungkot, ngayon daw ay parati na siyang masaya dahil sa kanyang trabaho.       “This show made me […]

  • Pacquiao nagpahiwatig ng posibleng pag-retiro kasunod nang pagkatalo vs Ugas

    Kasunod ng kanyang unanimous decision loss kay Yordenis Ugas sa kanilang bakbakan kahapon sa T Mobile Arena sa Las Vegas, nagpahiwatig si Manny Pacquiao na posibleng isasabit na niya ang kanyang boxing gloves makalipas ang ilang dekadang pagsabak sa itaas ng lona.     Sa kanilang post fight press conference, sinabi ni Pacquiao na maraming […]