• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik-GMA para sa pelikulang ‘Penthouse 77’: ROSANNA, in demand pa rin sa rami ng offers

IBA ang staying power ng career ng friend naming si Rosanna Roces.
Hanggang ngayon ay in demand pa rin siya sa rami ng offers. Hindi lang sa TV ang alok kay Osang, meron sa movie, out of town show and show sa abroad.
Dahil kilalang mahusay na performer ang Kapamilya actress. Pero may mga hindi siya matanggap na show, dahil conflict ito sa thrice a week taping niya sa “Batang Quiapo” kung saan gumaganap siya bilang Boss Divina na kakampi ni Tanggol (Coco Martin). Na nagbigay payo kay Tanggol, na ipaglaban nito ang karapatan niya bilang anak ni Ramon Montenegro played by Christopher de Leon.
Sa movies, lima namang pelikula ang nilagare ni Osang. Kasama siya sa most controversial film na ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ as Divina Valencia, ‘Ikalawang Ina at Ikatatlong Ina Mo; both directed by her awarded director friend Neal “Buboy” Tan.
At balik-GMA si Osang para są “Penthouse 77” at co-stars niya sa film sina Barbie Forteza, Famas Best Child Actor Euween Mikaell, Gina Pareño and many more. Produced ito ng GMA Pictures and Clever Minds, Inc. at si Derick Cabrido ang director nito.
Yung isa pang movie ng mahusay na actress na “Abner” ni Enzo Pineda ay naipalabas na sa mga sinehan.
Basta ang laging sinasabi ni Osang, ay trabaho ang kanyang priority. At apat sa nga taong gusto niyang pasalamatan sa muling pagbubukas ng pinto niya sa showbiz ay si Direk Ruel S. Bayani, the late Sir Deo Endrinal, Coco Martin at ang ABS-CBN.
“Pare-parehong malaki ang utang na loob ko sa kanila. At nagpapasalamat ako sa kanilang lahat. Hindi ko sila bibiguin sa tiwala at suportang ibinibigay nila sa akin.
“At higit sa lahat sa Diyos, na lahat ng mga hiniling ko ay ibinigay niya, at sobra-sobra pa sa mga ipinagdasal ko sa kanya.” Say pa ni Osang, nang amin siyang maka-chat.
***
AFTER ng ilang taon na pamamahinga ni Efren Reyes, Jr. dahil mas pinili nitong mag-concentrate sa negosyo nila ng wife na si Madam Marynette Gamboa ay balik sa pag-arte na siya.
Muli nga siyang nakapag-direk ng movie via the life story of April Boy Regino na produced ng Premiere Water Plus Productions nila ni Madam Marynette.
Yes, mapapanood naang agaw pansin na character ni Direk Efren bilang si Lt. Col. Salvador Romero sa number one action-drama series nationwide na “FPJ’s Batang Quiapo.”
Ang tanong ng madlang people bida ba o kontravida rito si Direk Efren? At ano kaya ang magiging papel niya sa buhay ni Tanggol played by Coco?
Actually, matagal nang gusto siyang kunin ng Batang Quiapo, pero ngayon lang ito natuloy. Naging parte rin siya ng super hit na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ noong 2016.  Well good luck my only favorite and best director!
(PETER S. LEDESMA)
Other News
  • PBBM, nilagdaan na ang 2023 national budget

    NILAGDAAN kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang  P5.268 trillion na panukalang national appropriations for 2023.     Ito ang kauna- unahang  budget sa ilalim ng administrasyong Marcos.     Dadalo si Pangulong Marcos sa ceremonial signing ng 2023 General Appropriations Act (GAA) sa Malacañang dakong alas-3 ng hapon ayon sa  Palace advisory.     […]

  • Bagong China Town bubuksan sa Quezon City

    ISANG  bagong Chinatown sa Banawe area ang nakatakdang buksan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte  kaugnay ng  hitik sa sayang selebrasyon ng Chinese New Year sa lungsod. Sinabi ni Belmonte na itatampok sa nasabing event ang commitment ng pamahalan ng Quezon City upang isulong ang turismo at ipakita sa mga bisita partikular na sa mga turista […]

  • Base sa mga photos na pinost sa Instagram: CARLO at CHARLIE, pinagdududahang may relasyon kaya todo-react ang mga netizens

    PINAGDUDUDAHAN ng mga netizens kung mayroon na ba o namumuo pa lang relasyon sina award-winning actress Charlie Dizon at award-winning actor na si Carlo Aquino?     Ang Kapamilya actress mismo ang nag-upload ng photos na kung saan katabi niya si Carlo na kapansin-pansin na nakahawak pa sa kanyang hita. Habang nasa balikat naman ng […]