Balik Maynila si Yorme… Isko Moreno, nag-file ng COC bilang kandidatong Mayor
- Published on October 9, 2024
- by @peoplesbalita
NAGHAIN ng Certificate of Candidacy (COC) si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso para sa kanyang muling pagbabalik bilang alkalde ng lungsod ng Maynila.
Kasamang naghain ng COC si Yorme ng kanyang pamilya kung saan tumatakbo ring city councilor si Joaquin Domagoso sa unang Distrito ng Maynila .
Kasabay din ni Yorme ang kanyang magiging bise alkalde na si Chie Atienza na naghain ng COC at iba pa nilang mga kaalyadong konsehal.
Sa panayam, iginiit ng dating alkalde ng Maynila na ang kanyang pagbabalik ay dahil sa kagustuhan ng taumbayan at nang batang Maynila na muli siyang bumalik.
Sa kanyang pagbabalik sakaling palarin muling maging ama ng lungsod ay unang-una niyang gagawin na ibalik ang mga nawala o natigil na mga pribelehiyo lalong na sa mga senior citizens.
Sinabi rin ni Yorme na ipamimigay na niya ang tatlong vertical housing program na kanyang sinimulan noong siya ang alkalde ng Maynila kabilang rito ang Pedro Gil Residence, San Lazaro Residence at San Sebastian Residence.Ito ay parehong 20 storey condominium unit.
Ikinalungkot at pinagtataka rin ni Yorme na maging ang hospital sa Baseco ay hindi pa rin binubuksan hanggang ngayon .
“Tatlong taon nang tapos yun eh– nagtataka ako bakit hindi nabubuksan eh, it took 3 years until now– eh bago tayo umalis eh gawa na ‘yun. Nalulungkot lang ako because these are under our program “, pahayag ni Domagoso .
Samantala, sa kanyang pagsabak sa pulitika sa Maynila tiniyak naman ni Vice mayor aspirant Chie Atienza na kayang-kaya niyang pagkaisahin ang Konseho ng Maynila sa pamamagitan ng paggawa ng isang dynamic group para sa mga programa na susuporta sa alkalde.
Ang pahayag ng vice mayor aspirant ay makaraang tanungin ng media kung mapagkakaisa nito ang Konseho matapos ang nangyari kaguluhan sa sesyon nitong mga nakaraang buwan . GENE ADSUARA
-
Community pantries, hindi malayong maging contributory factor sa paglobo ng Covid 19 – treatment Czar Leopoldo Vega
MALAKI ang posiibilidad na lumikha ng problema ang mga community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila. Ayon kay treatment czar Undersecretary Leopoldo Vega na wala namang dudang maganda ang nilalayon ng community pantry ngunit hindi nagiging makabuluhan kung nauuwi na ito sa mass gathering. Malaki aniya ang […]
-
Filipinas at men’s football team sasabak sa mga international game
NAGHAHANDA na ang men’s and women’s football team ng bansa para sa paglahok sa mga pangunahin kompetisyon. Sa darating na Oktubre 11 hanggang 14 ay lalahok ang men’ national team sa King’s Cup sa Thailand kung saan makakaharap nila ang host country, Tajikistan at Syria. Habang ang Filipinas ay sasabak […]
-
MAINE, honored na maging instrumento para i-promote ang livelihood opportunity na hatid ng ‘51Talk’; malaking tulong sa panahon ng pandemya
IN-ANNOUNCE sa mid-year press conference ng online English education platform 51Talk na nagsi-celebrate ng 10th year anniversary, na ang actress/host na si Maine Mendoza ang kanilang newest brand ambassador. Ibinahagi ng award-winning comedienne na malaki itong karangalan at very rewarding experience na i-represent ang 51Talk. “I said yes to 51Talk because […]