Balik-primetime series na sa ‘Maria Clara at Ibarra’: BARBIE, masaya na muling makakasama ang favorite actor na si DENNIS
- Published on August 15, 2022
- by @peoplesbalita
IWI-WELCOME ni Ruru Madrid tonight, August 15, ang cast na bubuo sa ‘Lolong: Ang Bagong Yugto,’ na sina Vin Abrnica, Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell at Lucho Ayala.
Makakasama nila ang mga original cast na sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Shaira Diaz, Arra San Agustin, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan at Paul Salas.
Very proud si Kapuso Action-Drama Prince at excited na siyang ma-meet ang bagong makakasama ni Lolong. Hindi raw sila nanghinayang na nagbunga ang mga paghihirap nila sa pagti-taping ng biggest adventure-serye on Philippine primetime.
“Hopefully po ay patuloy ninyo kaming suportahan,” sabi ni Ruru.
“Lalaban na po ang mga buwaya, gaganti na ang tribong inapi. Simula na po ng bagong digmaan para sa katarungan at para sa kapangyarihan, at ito na po ang bagong yugto ng Lolong.”
Gabi-gabi ay pataas nang pataas ang rating ng ‘Lolong,’ na napapanood pagkatapos ng ’24 Oras’ sa GMA-7.
***
MASAYA si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, na after a while ay balik na muli siya sa paggawa ng bagong series, ang ‘Maria Clara at Ibarra.’
Ayon kay Barbie, “I am so happy to finally announce that I will play the role of Maria Clara Infantes/Klay, in the upcoming historical portal fantasy primetime series na “Maria Clara at Ibarra.
“Ano po kaya ang mangyayari kapag napasok ng isang Gen Z ang mundo ng sikat na nobela ni Jose Rizal? Maraming salamat po sa GMA Network, @Sparklegmaartistcenter.”
Siyempre pa ay masaya si Barbie dahil muli niyang makakasama ang paborito niyang actor, si Dennis Trillo na gumaganap na si Ibarra. Bale second time na nilang magkakasama, dahil una silang nagtambal sa isang episode noon ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko.’
Masaya rin siyang muli silang magkakasama ng kaibigang si Julie Anne San Jose, matapos niyang mag-guest sa serye nitong ‘Heartful Café,’ sa GMA-7.
***
MATAPOS gawin ni Kapuso teen star Jillian Ward ang season one and two ng ‘Prima Donnas,’ medyo nanibago siya na bago ang kasamang gumaganap na nanay na si Carmina Villarroel, sa ‘Abot Kamay Na Pangarap.’
Sa ‘Prima Donnas’ kasi ang kasama niya sina Katrina Halili at Aiko Melendez.
“Pero super natutuwa po ako na nakatrabaho ko ngayon si Ms. Carmina, Hindi ko po in-expect na ganoon siya ka-light kasama dahil veteran actress po siya at very well-known po siya. Pero sobrang gaan po niya palang kasama at pinaparamdam po niya sa akin na magkaibigan po kami.
“Very understanding din po niya talaga. Minsan, napagkukuwentuhan namin ang kambal niya sina Mavy at Cassy. Naalaala ko sa kanya ang Mama ko, very understanding po kasi niya, super bait at ang galing po niyang umarte. Nakapag-connect po agad kami sa isa’t isa.”
Happy rin si Jillian na muli niyang makakasama si Chuckie Dreyfus sa serye, after 11 years, na una niyang nakatrabaho sa GMA musical fantasy series na ‘Daldalita.’
Ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ay malapit nang mapanood sa GMA Afternoon Prime, sila ang papalit sa ‘Apoy Sa Langit’ napapanood Mondays to Saturdays, 2:30 PM after ‘Eat Bulaga.’
***
PARA sa mga fans ng mga Koreanovelas, walang humpay ang GMA Heart of Asia sa pagbibigay sa mga loyal viewers nila, dahil simula ngayong gabi, dalawang Korean dramas ang back-to back na mapapanood sa GMA Telebabad.
Unang mapapanood ang ‘The Red Sleeve’ na katatapos lamang mag-uwi ng Best Drama Award at ang Best Actor award naman for Lee Jun-Ho from the 58th Baeksang Arts Awards, at 9:35PM Mondays to Thursdays.
At ang ‘About Time’ naman ay mapapanood at 10:20 PM, Mondays to Thursday, at every Friday, 10:35 PM after ‘Bubble Gang.’
(NORA V. CALDERON)
-
STEPHEN CURRY, JOEL EMBIID TINANGALAN NA NBA PLAYERS OF THE WEEK
Hinirang sina Golden State Warriors guard Stephen Curry at Philadelphia 76ers center Joel Embiid bilang NBA Players of the Week para sa Linggo 4. STEPHEN CURRY, GOLDEN STATE WARRIORS Ang dalawang beses na NBA MVP ay isa sa pinakamahusay na pagsisimula sa kanyang karera sa NBA. Pinangunahan niya ang Warriors sa 2-1 record noong […]
-
Pagbabago sa presyuhan ng asukal sa World Market, posibleng maramdaman ng PH
MAAARING maramdaman din ng mga Pilipino ang epekto ng pagtaas ng presyo ng asukal sa pandaigdigang merkado. Batay kasi sa prediksyon ng ilang mga international think tank, maaaring tataas ang presyo ng asukal sa ibat ibang bahagi ng mundo, dahil sa El Nino phenomenon. Katwiran ng mga firm, ang El Nino […]
-
Valenzuela TODAs nakatanggap ng P3.7M tulong fuel subsidy program
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian sa pakikipagtulungan ng City Council ng one-time fuel subsidy vouchers na nagkakahalaga ng P500 sa lehitimong mga tricycle driver at operators na mga miyembro ng TODA sa Valenzuela City. Ang pamamahagi ng fuel subsidy voucher program ay ipinapatupad sa pamamagitan ng […]