Balik sa pagsasayaw sa Tiktok at Instagram: GARDO, mabilis ang recovery mula sa kanyang operasyon
- Published on April 17, 2023
- by @peoplesbalita
MARAMING netizens ang natuwa sa mabilis na recovery ni Gardo Versoza mula sa kanyang operasyon after niyang maka-experience ng heart attack noong nakaraang buwan.
Sa kanyang Tiktok at Instagram, balik sa pagsasayaw si Gardo at game dun ang mga doktor at staff ng ospital na sumabay sa dance moves ng aktor.
Nagpapasalamat si Gardo sa lahat ng mga nagpadala ng dasal para sa kanyang mabilis na paggaling. Hindi pa raw makakabalik sa trabaho si Gardo dahil kailangan pa niyang magpa-therapy bilang parte ng kanyang rehabilitation sa pagkakaroon niya ng heart attack.
Natuwa naman ang misis ni Gardo na si Ivy Vicencio dahil pinayagang umuwi na sa kanilang bahay ang aktor para doon na magpagaling at magpa-therapy.
***
PINAKILALA na ni Roxanne Barcelo ang kanyang second baby ilang buwan pagkatapos niyang ipanganak ito.
Ang name ng bagong baby boy ni Roxanne ay Theodore Antonio or Theo. Pinakita niya si Theo sa kanyang recent vlog para sa bagong tour ng apartment nila sa Taiwan.
“Mga badidap! I am so excited to introduce you to our second son, Theo. Named after his great-grandfather and grandfather. My dad’s name is Antonio and his father’s name is Theodoro. So, Theodore Antonio,” sey pa ni Barcelo sa kanyang vlog.
September last year noong i-confirm ni Roxanne na buntis siya sa second child nila ng kanyang husband na si Jiggs. Boy din ang panganay nila named Cinco.
Tinalikuran ni Roxanne ang career niya rito sa Pilipinas para magsimula ulit ng bagong buhay sa Taiwan kasama ang kanyang pamilya. Aktibo pa rin si Roxanne sa kanyang vlog at mga ina-upload niya sa kanyang YouTube channel ay tungkol sa buhay niya ngayon sa Taiwan.
(RUEL J. MENDOZA)
-
DOH nagbabala vs study na may ‘immunity’ sa COVID-19 ang dengue infection
PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko matapos lumabas ang ulat ukol sa posibleng immunity o proteksyon mula sa COVID- 19 ang pagkakaroon ng impeksyon sa dengue. “These studies that they issue, itong mga articles, they would have disclaimers na hindi pa ‘to peer reviewed, hindi pa ‘to dumadaan sa rigorous process of […]
-
Air assets ng gobyerno, ipinag-utos ni PBBM na gamitin para makapaghatid ng tulong sa mga apektado ng lindol
KAAGAD na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang air assets ng gobyerno para mabilis na mahatiran ng pagkain ang mga apektadong residente Ang air assets ay isa sa mga pangunahing kailangan ng mga tinamaan ng lindol. Sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan ang mabilis na paghahatid ng suplay […]
-
Ads November 23, 2021