Balik-TNT ni Erram, nabitin
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
NASA balag pa ng alanganin ang balik ni John Paul ‘Poy’ Erram sa Talk ‘N Text para sa 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020.
Hanggang kahapon (Miyerkoles), sinusukat pang mabuti ng PBA ang trade proposal na magbabalik kay Erram sa KaTropa buhat sa North Luzon Expressway via Blackwater.
Wala pang lagda si PBA Commissioner Wilfrido Marcial sa swap papers, gayunman may PBA committee na para bumusisi sa mga proposed deal.
Kaya kung one-sided, babarahin at isasauli sa teams concerned para rebisahin ang mga dokumento na kailangan ay walang pinapaboran sa mga involved o patas sa mga kinauukulan.
Base sa kasunduan, papakawalan muna ng TNT si Marion Magat at future first-round pick sa Elite para sa isa ring future pick.
Ipagkakaloob ng Blackwater si Anthony Semerad at dalawang future picks – kasama ang galing TNT – sa Road Warriors para makuha si Erram.
Upang makarating sa kanyang destinasyon, ibibigay ng Elite ang Defensive Player of the Year sa KaTrona para kay Eduardo Daquioag, Jr., at isa pang first-rounder.
Si Don Trollano ang kursunada ni NLEX coach Joseller ‘Yeng’ Guiao na mabingwit mula Blackwater pero tinabla rin. Naging player kasi ni Guiao sa Rain or Shine si Trollano noon, nalagak nsa TNT bago pinamigay sa Blackwater.
Si Erram ang 2013 second-round, 15th overall pick ng TNT, pinulot ng Blackwater sa expansion pool noong 2014.
Pirma na lang ng komisyoner ang inaabangan, dahil may post na ang NLEX sa kanilang Facebook page na pinapasalamatan ang serbisyo ni Erram na napunta sa kanila noong 2018.
“We thank Poy for his hard work, sacrifice, and dedication to our organization, and wish him the best as he continues his career in the PBA,” parte nang pinaskil na mensahe. (REC)
-
Hindi matatawaran ang kontribusyon sa pelikulang Pilipino… Sen. BONG, pinarangalan si Mother LILy sa inihaing resolusyon
SA Facebook post ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., noong Martes, ilang araw ng pagpanaw ni Mother Lily Monteverde, mababasa ang kanyang bagong resolusyon. “Atin pong inihain ang Proposed Senate Resolution No. 1099 na nagbibigay-karangalan kay Lily Yu Chu-Monteverde o mas kilala natin bilang Mother Lily. “Sya ay tunay […]
-
PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION SYSTEM (PMVIS) at CHILD RESTRAIN SYSTEM – para ba talaga sa kaligtasan o para lang sa bulsa ng iilan?
Bubusisiin ng Kongreso and dalawang kontrobersyal na hakbang na para raw sa kaligtasan ng mga motorista. Salamat at napakinggan ng ating mga mambabatas ang panawagan na suspindihin ang implementasyon ng Child Restraint System (CRS) at Private Motor Vehicle Inspection System (PMVIS). Nanawagan din ang Pangulo mismo na huwag muna ipatupad ang Child Safety in motor […]
-
MMDA nilunsad ang P300 M na command center
NAGKAROON ng inagurasyon noong nakaraang linggo ang pinakabago at epektibong command at communications center ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bansa na siyang magiging “nerve center” sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila. Nagkakahalaga ng P300 million ang nasabing command center ng MMDA ayon kay MMDA chairman Don Artes. […]