Balik-trabaho na after almost four years: MARIAN, in-announce na malapit nang mag-taping sa sitcom nila ni DINGDONG
- Published on March 2, 2022
- by @peoplesbalita
AFTER almost four years, ready na muling bumalik sa trabaho si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Nauna rito iyong hindi muna siya tumanggap ng work after giving birth to their second child ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, si Jose Sixto IV.
At nang pwede na sana siyang mag-work, saka naman natin naranasan ang pandemic at kung may offer man sa kanya, hindi niya matanggap dahil kailangang mag-lock in taping at hindi niya kayang iwanan si Zia na naka-online class at si Sixto naman ay bini-breast feed pa niya.
Hindi naman nawawalan ng mga endorsements si Marian, at sunud-sunod pa rin ang mga offers sa kanya. Work from home din siya sa pagpapatuloy niyang mag-tape ng mga spiels ng Saturday drama anthology na siya ang host, ang Tadhana.
Masaya nga silang mag-anak kapag may taping siya dahil sa bahay nila ginagawa at si Dingdong ang nagdidirek, at kasama pa nila si Zia na minsan ay nagiging clapper girl at si Sixto naman ay natutuwang tinuturuan siya ng ama kung paano tumingin sa kamera.
Last Monday, February 28, nagkaroon na ng face-to-face contract signing si Marian as the first and only face of Kamiseta Skin Clinic ni Ms. Cris Roque, since nasa Alert Level 1 na ang National Capital Region.
Doon, nag-announce na si Marian na may comedy show silang gagawin ni Dingdong sa GMA Network.
“Any moment ay magsisimula na kaming mag-taping,” kuwento ni Marian.
“Tapos na ang script, finalizing na lamang ang bubuo sa cast, magkakaroon na kami ng script reading, then tuloy na sa taping.”
Nilinaw din ni Marian na hindi totoong magtatambal sila ni new Kapuso actor John Lloyd Cruz sa isang teleserye sa GMA, tulad nang unang nasulat.
(NORA V. CALDERON)
-
NBA stars bibida sa USA Basketball team na sasabak sa Paris Olympics
PORMAL ng inanunsiyo ng USA Basketball Team ang mga manlalaro na kanilang isasabak sa 2024 Paris Olympics. Gaya ng inaasahan ay star-studded ang nasabing lineup sa pangunguna ng kanilang head coach na si Steve Kerr. Pinangungunahan ito nina Los Angeles Lakers star LeBron James, Golden State Warriors Star Steph Curry at […]
-
Latest survey ng SWS, ikinatuwa ng Malakanyang
NAKAPAGBIBIGAY ng lakas ng loob sa mga filipino ang resulta ng bagong Social Weather Survey (SWS) na nagpapakita ng pagbaba ng vaccine hesitancy at skepticism o pag-aalinlangan. Napaulat kasi ang patuloy na ang pagbaba ng mga nag-aalinlangan na magpabakuna laban sa COVID-19. Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, walong […]
-
Tatalakayin ng IATF: posibleng paghihigpit sa pagpapa-uwi sa mga probinsiya ngayong papalapit na Holy Week
NAKAANTABAY ang Malakanyang kung magkakaroon ng paghihigpit sa magiging pagbiyahe o pag- uwi ng marami sa iba’t ibang mga lalawigan para sa nalalapit na Mahal na Araw. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay wala pa siyang maisasagot kung paano ang magiging set up sa magiging pag-uwi ng mga kababayan nating nais […]