• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balitaan sa Tinapayan

AMINADO  ang Land Transportation Office (LTO) na talagang may problema pagdating sa pag-iisyu ng mga plaka ng mga sasakyan lalo na sa motorcycle plate.
Sinabi ni LTO Chief Asec. Jay Art Tugade sa kanyang pagdalo sa Balitaan sa Tinapayan na noong 2017 pababa ay walang na-isyung mga plaka .
Ayon kay Tugade, kung mayroon man aniyang na-isyu na plaka, hindi lahat ng mga initial registered motorcycle ay hindi naisyuhan ng plaka kaya sa ngayon aniya ay ito ang kanilang binubuo.
Sa kanila aniyang pagpupulong sa LTO, 13 milyon ang kailangang bunuin na plaka para sa motorcycles kung saan ang bahagi nito na 9 milyon ay para sa mga motorcycles na kailangang palitan ang kanilang plaka.
“Mayroon kasi ngayong bagong batas na ipinasa–yung motorcycle crime prevention act which requires plate numbers of motorcycles to be bigger, readable and colorful coded”, ani Tugade.
Dahil sa ipinasang batas na ito, sinabi ni Tugade na kailangang baguhin ng LTO ang lahat ng mga plaka na may isyu noon upang tumalima sa nasabing batas.
Habang ang 4 na milyon ay mga bagong motorsiklo na wala pang plaka dahil naman sa general appropriation act o GAA budget.
Paliwanag ni Tugade, ang fee na ibinabayad sa plaka ng mga motorista ay hindi direktang napupunta sa LTO.
Ito aniya ay obligado nilang idine-deposito o  inire-remit sa bureau of treasury kasama ang iba pa nilang koleksyon tulad ng mga “huli”.
Dagdag pa ni Tugade, ang ginagamit na pondo ng LTO para gumawa ng plaka ay  ang pondo na ibinibigay sa pamamagitan ng GAA at hindi sapat yung pondo na ibinibigay sa nakalipas na mga taon sa ahensya  para mapunuan ang mga kotse na nangangailangan ng plaka dahilan para magkaroon naman ng “backlogs” sa nagdaang mga taon. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)
Other News
  • COVID-19 vaccines protektahan vs ‘brownouts’ sa Luzon

    Nag-abiso na ang Department of Energy (DOE) sa ibang ahensya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang para maproteksyunan ang mga bakuna na nakaimbak sa mga ‘cold storage facilities’ dahil sa posibleng ‘rotational brownouts’ sa loob ng isang linggo o hanggang Hunyo 7.     “Dapat patuloy ‘yung coordination natin sa IATF sa ating mga […]

  • Sanib-pwersa ang mga ‘Bagong Idolo ng Senado’… MONSOUR, RAFFY, at Gen. ELEAZAR, maaasahan sa maayos na trabaho na walang kinatatakutan

    NAGSANIB pwersa sa kanilang kampanya ang tatlong senatorial candidates na may iisang layunin na makapaglingkod sa sambayanang Pilipino. Sina Monsour Del Rosario, Raffy Tulfo, at Gen. Guillermo Eleazar ang tinagurian mga “Bagong Idolo ng Senado. Dinumog ang tatlong kandidato sa naganap na grand rally nitong May 5 sa Cauayan, Isabela, ang hometown ni Tulfo, Bagamat […]

  • Temporary deployment ban muna ng OFW sa Saudi – DOLE

    Pansamantalang ipinataw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang temporary deployment ban patungong Kingdom of Saudi Arabia.     Ito ay may kaugnayan sa hinihinging karagdagang requirements ng mga employers sa mga Filipino workers.     Mismo si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia ang nagkumpirma sa temporary deployment ban.     […]