• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balitang nakaranas ng mild heart attack si Pangulong Duterte, fake news -PCOO

FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumaan sa mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang Facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing …. “Breaking News: Sources say Duterte suffers Mild Heart Attack.”

 

Inilagay naman ni Sec. Andanar ang malaking “fake news” sa harap mismo ng nasabing screen shot bilang caption upang pabulaanan ang nasabing pekeng balita.

 

Kapansin-pansin naman na hindi na makita ang nabanggit na post ng Maharlika.tv na kung saan ay iniugnay nito ang balitang heart attack ni Pangulong Duterte sa pagpapaliban ng kanyang public address sana kagabi ng Chief Executive at nitong nagdaang Lunes. (Daris Jose)

Other News
  • 7 Chinese nationals arestado, 1 nasagip sa human trafficking ng NBI

    ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 7 Chinese nationals habang nasagip ang biktima ng human trafficking na naglantad ng scamming operation .     Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago, ang kaso ay nag-ugat mula sa reklamo na natanggap ng NBI-Cybercrime Division (CCD) noong Disyembre 11,2024.     Ayon sa complainant, iligal […]

  • Mga dating manlalaro at staff ng Alaska Aces nalungkot sa pag-alis ng koponan sa PBA

    NAGPAHAYAG ng kanilang kalungkutan ang mga dati at kasalukuyang manlalaro maging ang coach ng Alaska Aces dahil sa pagtatapos na ng koponan ng franchise nito sa Philippine Basketball Association (PBA).     Sa kani-kanilang mga social media ay ibinahagi ng ilang mga dating manlalaro ang mga magagandang alaala sa paglalaro sa Aces.       […]

  • Fernando, nagpaalala na sundin ang minimum health standards sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19

    LUNGSOD NG MALOLOS- Muling pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na patuloy na sundin ang minimum health standards sa gitna ng patuloy na pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan sa mga nakalipas na linggo.     “Kung maaari po, lagi nating isipin na may virus, mag-ingat at maging maingat po […]