• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balitang positibo raw sa shingles: KRIS, kailangan pa rin ng matinding dasal

İSA sa highest paid TV host ngayon ang Kapamilya aktres Anne Curtis.

 

 

 

Hindi rin kataka-takang isa rin ang aktres sa may malalaking kinita sa mga showbiz personalities.

 

 

 

Marami-raming celebrities na ang tinalbugan si Anne as far as showbiz earnings at isa na rito si Kris Aquino na may ilang taon na ring nagpapagamot sa ibang bansa.

 

 

 

Umabot na raw 1.6 biliyon ang net worth ni Anne dahil sa malaking kita mula sa pelikula, TV hosting, at endorsements.

 

 

 

Sa kanyang hosting sa “It’s Showtime” ay 6 figures daw ang talent fee na halos kapantay lang ng tinatanggap ni Vice Ganda.

 

 

 

Pero hindi rin naman naging madamot si Anne sa mga kinikita niya. İsa si Anne sa mga ilang taga showbiz na marunong mag share ng blessings.

 

 

 

Mahilig magbahagi ng biyaya si Anne. At sa mga ka kilala ni Anne na nangangailangan ng tulong ay madaling nalalapitan ang aktres at Tv host, huh!

 

 

 

***

 

 

 

NAGPOSITIBO raw si Kris Aquino sa sakit na shingles.

 

 

 

Ang shingles ay isang uri ng buni na kilala rin bilang herpes, zoster o shingles, isang uri ng singaw sa balat.

 

 

 

Ayon pa sa isang post ang maagang paggamot lang – antiviral ay maaari raw mapabilis ang paggaling at mapababa ang panganib ng mga komplikasyon nito, huh!

 

 

 

Just recently ay may post si Kris para sa update ng kanyang kalagayan sa Amerika na kasabay ng pasasalamat sa mga nag-alaga ng kanyang anak na si Josh.

 

 

 

“To my most trusted friend, @annebinay who celebrated her birthday Mother’s Day together with her Ate Sen. @nancybinay- thank you for being so welcoming to kuya josh & making him an adopted member of your clan.

 

 

 

“Hello to Lolo VP and to Lola Doc. It’s been a “test of courage” type of weekend- i had a consultation w/ a 4th doctor in UCLA, this time a cardiologist.

 

 

 

“It’s the start of Mother’s Day here and moms have never been cowards. In this instance, please help me pray for good health for all moms and a very “Brave Heart” for yours truly (Details when i’m ready & when my complete test results are in.),” post pa ni Kris Aquino.

 

 

 

“Anne, the best friend anyone could wish for- THANK YOU for the unwavering love for kuya, bimb, & me AND for keeping all my secrets close to your chest.” dagdag pa ng aktres at host.

 

 

 

Ilang buwan nang nasa Pilipinas ang panganay na anak ni Kris at nasa bahay ng mga Binay.

 

 

 

Matinding dasal pa rin ang kailangan ngayon ni Kris Aquino.

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Alex Eala pasok na sa 3rd round ng US Open Junior Tennis

    UMUSAD  na sa 3rd round ng US Open Junior Tennis Championship si Alexandra “Alex” Eala.     Ito ay matapos na talunin niya si Nina Vargova ng Slovakia sa score na 6-2, 6-3.     Hindi hinayaan ni Eala na makalusot pa ang Slovakian player kung saan dominado niya ang laro.     Susunod na […]

  • “Guko” nalambat sa baril at shabu sa Navotas

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang mangingisda matapos makuhanan ng baril at shabu makaraang masita dahil walang suot na damit habang naglalakad sa Navotas City.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Angelito Jaime alyas “Guko”, 20, (user/listed) ng 95 B. Cruz St., Brgy. Tangos North. […]

  • Ads June 22, 2021