Baloaloa, 4 pa lagas sa Angels via free agency
- Published on January 9, 2021
- by @peoplesbalita
NASA limang key player ng Petro Gazz Angels sa pangunguna nina Maricar Nepomuceno-Baloaloa, Jeanette Panaga, at Jonah Sabete ang naglaho sa team dahil sa pagiging free agent.
Sa isang social media post ng Petro Gazz nitong isang araw lang, pinasalamatan ng team ang naging serbisyo ng tatlo kasama rin sina Cherry Nunag at Jovy Prado na pinaupo ang Angels sa trono ng 2019 Philippine Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.
“We’re thankful for all the years you’ve played for the Petro Gazz family! Forever grateful for all the amazing memories!” lahad ng pangasiwaan ng koponan via Facebook. “Wishing you all the best in your future endeavors! Thank you, Angels!”
Pero dahil sa kalibre ng tatlong beteranang balibolista, inaasahang mabilis itong mapapapirma ng iba pang team lalo’t sa Abril na ang planong pagbubukas ng unang propesyonal na liga ng baibol sa bansa. (REC)
-
PBBM at mga gabinete patuloy ang masusing pag rebyu sa 2025 nat’l budget
NAGPAPATULOY ang masusing pagre- review ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga economic managers at mga gabinete sa 2025 proposed national budget. Ito ang sinabi ni Executive secretary Lucas Bersamin sa gitna ng pagtiyak na naaayon sa itinatakda ng Konstitusyon ang aaprubahang budget ng Pangulo sa susunod na taon. […]
-
Pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac, ipinag-utos ni PDu30
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac. Ito’y dahil sa masyado ng prone ang Metro Manila sa mga natural disasters gaya ng lindol, baha at bagyo. Nakasaad sa Executive Order 119 na ipinalabas ng Malakanyang na inaatasan nito ang mga ahensiya […]
-
Kelot tinodas ng riding-in-tandem sa Malabon
DUGUANG humandusay ang katawan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo habang nakatayo sa harapan ng inuupahang apartment sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan […]