• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ban sa e-bikes, e-trikes, tricycle sa National roads sa NCR iiral na sa Abril 15

NAKATAKDA nang magsimula sa Abril 15 ang pagbabawal sa mga e-bikes, e-trikes, at tricycles sa mga national roads sa National Capital Region (NCR).

 

 

Mismong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes ang nagkumpirma nito sa isang pulong balitaan .

 

 

Ayon kay Artes, “We will implement ito by April 15.But we will consider pa rin iyong ibang suggestions. Nag-aagree naman sila na kailangan i-regulate.”

 

 

Dagdag pa ni Artes, sa isinagawang pulong sa mga stakeholders ay naliwanagan naman ang mga ito na ang ipatutupad nila ay hindi total ban.

 

 

Aniya pa, hindi naman pagbabawalan ang mga naturang behikulo na lumabas ngunit hindi lamang sila maaaring dumaan sa mga national roads, kung saan hindi naman talaga sila nararapat.

 

 

Ayon sa MMDA, kabilang sa mga national roads na hindi maaaring daanan ng mga e-bikes, e-trikes, at tricycles ay ang R1: Roxas Boulevard; R2: Taft Avenue; R3: SLEX; R4: Shaw Boulevard; R5: Ortigas Avenue; Ro: Magsaysay Blvd/Aurora Blvd.; R7: Quezon Ave./ Commonwealth Ave.; R8: A. Bonifacio Avenue; R9: Rizal Avenue; R10: Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway; C1: Recto Ave­nue; C2: Pres. Quirino Avenue; C3: Araneta Avenue; C4: Epifanio Delos Santos Avenue; C5: Katipunan/C.P. Garcia; C6: Southeast Metro Manila Expressway; Elliptical Road; Mindanao Ave­nue; at Marcos Highway.

 

 

Una na ring sinabi ng MMDA na ang regulasyon sa mga e-vehicles ay isinulong nila para sa kaligtasan ng mga concerned drivers, passengers, at pedestrians.

 

 

Iniulat din ng MMDA na noong 2023 lamang, kabuuang apat na katao ang namatay dahil sa road crash incidents, na kinasasangkutan ng e-bikes, habang 436 naman ang nasugatan at 468 ari-arian ang napinsala.

 

 

Babala ng MMDA, ang mga lalabag sa ban ay papatawan ng multang P2,500.

 

 

Samantala, sinabi rin ng MMDA na nakatakda na ring maglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng hiwalay na issuance kaugnay naman sa pag-require sa mga driver ng e-bikes at e-trikes ng lisensiya at registration.

 

 

Ang lahat umano ng e-vehicle ng mga driver na walang lisensiya ay kanilang ii-impound. (Daris Jose)

Other News
  • Crossovers swak sa finals

    Walang preno ang Chery Tiggo nang saga­saan nito ang Choco Mucho sa pamamagitan ng 25-16, 26-24, 25-23 demolisyon para umabante sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.     Nagsilbing driver si outside hitter Dindin Santiago-Manabat na siyang nasandalan ng Crossovers sa mga […]

  • Bagong LTO chief tutukan ang license plate backlog

    ANG BAGONG talagang chief ng Land Transportation Office (LTO) ay nangako na tutukan ang backlog ng mga license plates sa harap ng mga opisyales at empleyado ng ahensiya noong nakaraang Lunes. “The license plate backlog and the issue of funding are an unending cycle of problems in the LTO. We will do a thorough review […]

  • PDu30, oks na ipalabas ang P1.185 bilyong piso para sa special risk pay ng mga health workers

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalabas sa P1.185 bilyong piso mula sa contingent fund ng gobyerno noong nakaraang taon para sa special risk allowance (SRA) ng mga health workers na hindi pa nakatatanggap nito.     Sinabi ni Senador Bong Go na ang P1.185 bilyong piso ay huhugutin mula sa 2021 Contingent Fund […]