Ban sa nursing programs, maaaring ‘selectively lifted’- CHED
- Published on June 17, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ng Commission on Higher Education (CHED) na ikasa ang “strategic and selective lifting” ng moratorium para sa bagong nursing programs.
Sinabi ni CHED Chairperson Prospero “Popoy” De Vera III na gumagawa na ng bagong poliisya ang Technical Panel on Nursing ng CHED na ipalalabas sa lalong madaling panahon.
“CHED is working with the DOLE (Department of Labor and Employment) and DOH (Department of Health) to determine the supply and demand for nursing graduates for a possible strategic selective lifting of the moratorium in key geographic areas and types of institutions and the Commission will issue the new policy soon,” ayon kay DE Vera.
Aniya, may ilang taon na ang nakaraan nang simulan nila ang assessment, isinaalang-alang na rin ang demands na dala ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic.
“The Commission on Higher Education (CHED) has already recognized the need to review the 2011 moratorium on the opening of new nursing programs given the changing regional and global demand for health manpower over the past five years,” anito.
Gayunman, iginiit ni De Vera na ang “whole-of-system lifting” ay maaaring hindi maging pabor, kaya’t may pangangailangan para sa strategic study bago magpatupad ng bagong polisiya.
“The lifting of the moratorium, however, must be based on a correct assessment of the supply and demand for nurses both locally and internationally… The unilateral lifting of the moratorium and allowing all higher education institutions (HEIs) to offer nursing will not address the problem,” anito.
Matatandaang nagpalabas ang CHED ng Memorandum Order 32 na may petsang Setyembre 30, 2010, na naglalayong ihinto ang pagbubukas sa lahat ng undergraduate at graduate programs sa business administration, nursing, teacher education, hotel and restaurant management at information technology education simula school year 2011-2012.
Ang moratorium ay ipinalabas “on the ground that the proliferation of the programs would cause the deterioration of the quality of graduates of these five higher education programs.”
Nauna rito, binatikos ni Cavite Rep Elpidio Barzaga si sa kawalang aksyon nito sa matagal nang petisyon na humihiling na magbukas ng nursing program sa Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas.
Sinabi ni Barzaga, 11 taon na ang ban ng CHED sa pagbubukas ng bagong nursing program subalit ngayong nasa ilalim ng pandemic ang buong mundo at may mga bagong sakit at virus na nagsusulputan ay malaki ang pangangailangan na palawakin na ang nursing program sa bansa.
Depensa pa rin ni Barzaga, inaalis ng CHED ang karapatan ng mga estudyante na makapag-aral lalo na sa Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas na libre ang pag aaral.
Hiniling nito kay incoming President Bongbong Marcos na magtalaga ng bagong CHED Chairman na malawak ang pang unawa sa sitwasyon.
Iginiit ni Barzaga na kung pagbabatayan ang datos ng World Health Organization (WHO) ay may kakulangan na 4.6 million nurses sa buong mundo pagdating ng 2030 habang sa Pilipinas ay nasa 249,843 shortfall.
Sa datos naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay nasa 49.4 percent ng mga nagtapos ng high school ang hindi nakakapagkolehiyo dahil sa mahal na tuition fee habang marami ang nais na kumuha ng nursing ang hindi tumutuloy dahil sa P80,000 hanggang P100,000 kada semester ang matrikula.
Ani Barzaga ang Kolehiyo ng Lungsod Dasmariñas ay handang magbigay ng libreng tuition fee subalit hindi naman makapagbigay ng nursing program dala ng ban ng CHED. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
$20M bare-knuckle boxing match ‘di kinagat ni Tyson
Hindi pinatulan ni dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson ang offer na $20 million upang lumaban sa bare-knuckle boxing match ngayong taon. Matatandaang ibinida ni Tyson na gusto nitong muling lumaban sa boksing sa isang exhibition match sa edad na 54 na ikinatuwa ng boxing fans. Dahil dito, agad na inoperan ni BKFC […]
-
Pagpapalabas ng P25.16-B para sa 8.4M indigents’ health insurance, aprubado ng DBM
MAKATATANGGAP ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ng P25.16 billion para sa one-year health insurance premiums ng mahigit sa 8 milyong Filipino indigents. Ito’y matapos na magbigay ng “go signal” si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman na ipalabas ang P25,157,547,000 para sa insurance premiums ng 8,385,849 kuwalipikadong indigents […]
-
3 nalambat sa buy bust sa Caloocan at Valenzuela
Kulong ang tatlong hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal […]