Banggaan ng 2 sasakyan pandagat, tinugunan ng PCG
- Published on October 19, 2024
- by @peoplesbalita
SINAKLOLOHAN ng Coast Guard Station (CGS) Central Palawan sa banggaan na kinasasangkutan ng hindi pa nakilalang sasakyang pandagat at MBCA Jerrylyn sa humigit-kumulang 12 nautical miles silangan sa Canigaran Beach, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City, Palawan.
Sa ulat, nasagip ng Coast Guard Search and Rescue (SAR) team ang dalawang pasahero ng MBCA Jerrylyn na napilitang tumalon sa dagat.
Dinala ang mga nasagip na indibidwal sa Puerto Princesa Fish Port, kung saan sila sumailalim sa medical evaluations.
Ayon sa CGS Central Palawan, kasalukuyang isinasagawa ang komprehensibong imbestigasyon sa mga detalyeng nakapalibot sa insidente . GENE ADSUARA
Other News
-
Ads July 16, 2020
-
Ads March 15, 2021
-
Ads October 28, 2020