Banggaan nina CINDY at KYLIE sa kanilang first movie, kaabang-abang; dedma na lang kahit pinagtatapat
- Published on November 20, 2021
- by @peoplesbalita
PINAG-UUSAPAN at marami talaga ang nag-react nang lumabas ang trailer ng My Husband My Lover ang bagong pelikula ni McArthur C. Alejandre.
Mapangahas nga ang pelikulang sinulat ng award-winning writer na si Ricky Lee at tampok ang apat na hottest stars ng henerasyong ito, Marco Gumabao, Adrian Alandy, Cindy Miranda at Kylie Verzosa.
Ang My Husband My Lover ang latest na pelikula ni direk Mac, ang direktor ng mga blockbuster adult drama gaya ng The Annulment at In Your Eyes at ng mga high-rating TV series na Endless Love, Stairway to Heaven at Marimar.
Ito rin ang pangalawang beses na magsasama sa isang proyekto si Kylie at Marco. Ang kanilang unang project ay ang original series ng VIVAMAX na Parang Kayo Pero Hindi.
Mas kaabang-abang nga kung paano nagbago ang chemistry nilang dalawa mula sa kanilang unang proyekto lalo na sa maiinit nilang eksena, idagdag pa ang ‘tatluhan scene’ nila kasama si Adrian, na sobrang intense at medyo nahirapan siyang gawin, at maayos naman niyang naitawid. Tiyak na aabangan ito ng manonood.
Kaabang-abang din ang magiging banggaan nina Cindy at Kylie, pati na ang nakakalokang dialogues na ibabato nila sa isa’t-isa, na for the first time ay nagkasama na rin ang dalawang matatapang na sexy actress ng Vivamax na parehong sinusubaybayan at pinapanood lalo na nga mga kalalakihan.
Puwede nga silang maging magkaribal na parehong beauty queen na abala na ngayon sa paggawa ng mga sexy films. Ang maganda lang sa Viva Films, pareho silang nabibigyan ng chance na mag-shine sa kani-kanilang showbiz career, kaya dedma na lang kung sila’y paglabanin.
Samantala, sa pelikula, masaya ang buhay mag-asawa nina Alice (Kylie) at Noel (Marco). Si Alice ay matagumpay sa kanyang career at masunurin siyang misis sa kanyang matalino at mabait na mister na si Noel. Ngunit si Alice ay isa ring wild partner pagdating sa kama sa kanyang kalaguyo na si Dennis (Adrian).
Walang problema sa kanyang buhay may-asawa at ang alam lang ni Alice ay gusto niyang manatili ang asawa niya at ang kalaguyo niya sa kanyang buhay. Maayos ang lahat hanggang sa malaman ni Alice na siya ay buntis. At dahil hindi niya alam kung sino ang ama ng kanyang dinadala, napilitan siyang umamin kay Noel tungkol sa kanyang relasyon kay Dennis. Nagdesisyon si Noel na makipaghiwalay kay Alice, at nangako naman si Dennis na aalagaan si Alice at ang kanyang anak. Nakahanap ng bagong ka-relasyon si Noel kay Loida (Cindy), isang abogada.
Si Dennis naman ay naging mabuting mister kay Alice at tatay sa kanyang anak, kahit alam niyang hindi ito sa kanya nang lumabas ang DNA result. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang bata at maagang pumanaw, dahilan para aminin ni Alice kay Noel ang katotohanan. Ang muling pagkikita ng mag-asawa ay nauwi sa mainit na pagtatalik na nauw sa “bawal” na relasyon. Nabaliktad na ang sitwasyon at si Noel na ang naging kalaguyo ni Alice. At mas magiging komplikado ang sitwasyon sa pagdating ng kani-kanilang partner upang angkinin ang sa alam nilang sa kanila.
Panoorin kung ano ang kahihinatnan ng mga komplikadong relasyon at pagsasama sa My Husband My Lover, streaming online sa November 26 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. At nagsimula na noong November 19, available na ang Vivamax sa USA and Canada.
(ROHN ROMULO)
-
Pangamba ng MMFF producers sa ‘1st day, last day’ showing, pinawi
Walang dapat ipangamba ang mga producer ng 10 entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon. Ito’y kaugnay sa tila nangyayaring pullout o pag-alis sa mga sinehan sa mga nakalipas na taon, kapag hindi pumapatok sa takilya ang isang MMFF entry. Ayon kay Dondon Monteverde, ang pinuno ng online streaming na siyang […]
-
Malabon LGU ginawaran ng Seal of Good Local Governance Award ng DILG
MASAYANG tinanggap ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval, kasama si City Administrator Alexander Rosete at iba pang opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang Seal of Good Local Governance Award mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa isinagawang National Awarding Ceremony na ginanap sa Manila Hotel. Bukod sa SGLG, pinagkalooban din […]
-
Bong Go: Mga ospital, Malasakit Centers maghanda sa post-flooding surge
NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go sa mga ospital at Malasakit Centers sa buong bansa na maghanda sa potensyal na pagdami ng mga pasyente dahil sa pagbaha sa iba’t ibang lugar. Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng paggamit ng Malasakit Centers para makapagbigay ng tulong medikal sa mga naapektuhan ng bagyo, dulot […]