• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BANGKAY NG LALAKI LUMUTANG SA ILOG SA NAVOTAS

BANGKAY na nang matagpuan ang isang lalaking hindi na nakauwi sa kanilang bahay matapos magsabi sa kanyang pamilya na mangingisda lamang siya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, kinilala ang biktima bilang si certain Jaymark Panganiban, nasa 25-30 ang edad at nakatira sa Judge Roldan St. Brgy. San Roque.

 

 

Dakong alas-7:20 ng gabi nang matagpuan nakalutang ang bangkay ng biktima sa Dike Pondohan Dulong Tangos, Brgy. Tangos North.

 

 

Pinagtulungan i-ahon ng rumespondeng mga tauhan ng Navotas City Rescue Team at mga barangay opisyal ang katawan ng biktima.

 

 

Ayon sa pulisya, huling nakitang buhay ang biktima ng ilang residente ng Dulong Tangos bago magtanghali habang nangingisda sa Dike Pondohan.

 

 

Dinala ang bangkay ng biktima sa Northern Police District (NPD) Crime Laboratory para sa autopsy examination upang matukoy kung anu ang ikinamatay nito. (Richard Mesa)

Other News
  • Mandatory vaccination isa ng batas sa Austria

    MAGIGING mandatory na sa Austria ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.     Sinabi ni Austiran President Alexander Van der Bellen na pinirmahan na niya ang batas sa pagpapabakuna sa lahat ng mga mamamayan niya na nasa hustong edad.     Nakasaad sa batas na ang mga hindi bakunado at walang anumang vaccine certificate o exemption […]

  • Taga-showbiz na kakandidato, ‘di dapat matamatahin: Sen. BONG, pinayuhan ang mga bagong sasabak sa pulitika na isapuso ang paglilingkod

    OBSERBASYON sa nakausap namin na isang kilalang showbiz insider na higit na mas marami raw ngayon ang taga-showbiz ang nagnanais pasukin ang pulitika para makapaglingkod.   Pinangunahan ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na naging ehemplo ng mga taga-showbis pagdating sa public servant, ang naghain ng kanyang COC.   Tatakbong gobernador muli ng Batangas […]

  • Ads September 20, 2021