• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bangsamoro leaders, kinonsulta sa bagong lagda na Anti-terror bill

TINIYAK ng Malakanyang na nakonsulta ang Bangsamoro leaders sa Anti-Terrorism Council sa pagpapatupad ng bagong lagdang batas na Anti, Terrorism Bill.

Umapela kasi si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim na magkaroon ng “representation” ang kanilang rehiyon sa nine-man council.

Aniya, required ang Anti-Terrorism Council, sa pangunguna ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na magsagawa ng konsultasyon sa mga lider ng BARMM, pero hindi nga lang umano full membership.

Ang council ani Sec. Roque ay binubuo ng national security adviser at mga kalihim ng foreign affairs, defense, interior, finance, justice, at information and communications technology, kasama ang executive director ng Anti-Money Laundering Council na siyang bubuo ng implementing rules and regulations ng bagong batas.

Magugunitang, una nang umapela ang mga lider BARMM kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-veto ang Anti-Terrorism Bill, dahil sa hindi malinaw na depenisyon ng terorismo, surveillance sa mga suspek, interception at recording ng communications, at pagkulong nang walang judicial cause of arrest. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 24, 2022

  • Mojdeh pasok sa World Cup

    Babanderahan ni Micaela Jasmine Mojdeh ang national swimming team na sasabak sa prestihiyosong 2024 World Aquatics (WA) Swimming World Cup na idaraos sa tatlong magkakahiwalay na venues.     Isa si Mojdeh sa 16 swim­mers na nagkwalipika matapos ang isinagawang qualifying event ng Phi­lippine Aquatics Inc. kamakailan sa Rizal Memorial swimming pool.     Masaya […]

  • User ng TikTok account sa assassination plot vs BBM, tukoy na ng PNP

    NATUKOY  na ng Philippine National Police (PNP) ang user ng TikTok account na nag-post ng video tungkol sa umano’y assassination plot laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.     Sa press briefing, inatasan ng PNP Chief ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na ipagpa­tuloy pa rin ang imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng kaso […]