• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Banta ng Delta variant: Mga magulang, pinayuhang ‘wag palabasin mga bata

Hinihimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga magulang at bantay ng mga bata na kung maaari ay panatilihin na lamang sa loob ng bahay ang mga menor de edad.

 

 

Ito’y sa harap na rin nang patuloy na pagtaas ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) Delta variant cases at habang pinag-aaralan pa ng Inter Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang proposed suspension sa pagpayag sa mga bata na gumala sa labas.

 

 

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, nawa’y maunawaan ng mga magulang na sa kasalukuyan ay hindi pa ganap na alam ang epekto ng Delta variant kaya minabuti muna ng mga alkalde ng Metro Manila na hilingin sa IATF ang pagpayag sa mga bata na makalabas ng bahay.

 

 

Sa ngayon, nakapagpadala na aniya ang Metro Manila Council ng liham kay Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa proposal ng mga alkalde kasunod na rin nang paghingi ng payo sa mga eksperto.

 

 

Dahil hindi pa bakunado ang mga menor de edad, sinabi ni Abalos na dapat manatili muna ang mga ito sa loob ng kanilang bahay.

 

 

Kung maaalala, pinayagan na ng Food and Drugs Administration ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer sa mga batang edad 12 hanggang 15-anyos pero sa ngayon ay hindi pa ito nasisimulan ng pamahalaan.

Other News
  • SUPORTA SA UNITEAM DUMAGUNDONG SA ‘TIGER CITY’

    NAG-UUMAPAW ang suportang binigay ng mga Mandalenyo kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nang magsagawa ito ng proclamation rally sa kilalang bansag na ‘Tiger City” o sa Lungsod ng Mandaluyong.     Tanghali pa lang ay nakapuwesto na ang libo-libong mga supporters ng BBM-Sara UniTeam, samantalang alas singko ng hapon ‘saktong nagsimula ang programa […]

  • Duterte: Walang drug war reward system

    MARIING itinanggi ni da­ting pangulong Rodrigo Duterte na may reward system na ipinatupad ang kanyang administrasyon kontra sa ilegal na droga.     Sa pahayag ni Duterte, sinabi nito na tanging pabuya lang na pagkain at pagbati ang ibinibigay niya sa mga pulis na matagumpay na natapos ang kanilang misyon.   Matatandaan na ibinunyag sa […]

  • Para sa Asian premiere ng upcoming Neflix movie: CHRIS HEMSWORTH, excited na rin sa pagpunta sa bansa next month

    GAME na mag-collab sa isang film project ang dalawang drama princess ng Philippine Television na sina Maris Racal and Barbie Forteza.     Dahil na rin sa kanilang mga fans na nag-suggest na magsama sila sa isang pelikula, nagpakita naman ng interes sina Maris at Barbie kahit na homegrown stars sila ng magkaibang TV network. […]