• April 11, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BARANGAY AT SK ELECTION NAGHAHANDA NA

MAGSISIMULA na ng paghahanda ang Commission on Elections (Comelec) sa susunod na buwan para sa  December 2022 barangay at  Sangguniang Kabataan (SK) elections sa kabila ng panawagan na ipagpaliban ito,sinabi ni  Commissioner George Garcia ngayong Huwebes.

 

 

“Definitely this coming June, we will already start the ball rolling for the preparations for the barangay and SK elections. We cannot presume that Congress will not be proceeding with the elections. We still have to prepare. Napakahirap naman po kung bandang September, bigla na lang matutuloy pala tapos wala kaming paghahanda ”pahayag ni  Garcia sa panayam ng ANC .

 

 

Ginawa ni Garcia ang pahayag kasunod ng pahayag ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na mahigit sa P8 bilyon ang mase-save kung ang barangay elections ngayon taon ay maipagpaliban.

 

 

Mungkahi ng mambabatas,ang nasabing halaga sa halip ay maaring gamitin sa pagtugon  sa COVID-19  at economic stimulus at ayuda para sa mga naapektuhan ng pandemya.

 

 

Nauna na ring sinang-ayunan ni Garcia ang nasabing suhestyon pero aniya sila ay tatalima sa kung ano ang desisyon ng Kongreso sa usapin.

 

 

Aniya, ang P8.6 bilyong inilaan para sa  2022 barangay at SK elections ay nanatiling buo. .

 

 

“Until today, I can honestly tell you that intact po ang P8.6 billion. Wala pa po kaming releases from the DBM”, sabi ni Garcia

 

 

Binigyan diin din ni Garcia na ang voter registration ay nakatakda muling buksan sa July para sa nais magparehistro  o reactivate.

 

 

Sisimulan na rin ng Comelec ang pag-imprenta ng ilang dokumento sa halalan, pagkuha ng mga kagamitan sa halalan, at pagsasanay sa mga manggagawa sa botohan. (CARDS)

Other News
  • 2 Grab driver timbog sa P272K shabu sa Valenzuela

    Kulong ang dalawang Grab driver na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhanan ng halos P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ang mga naarestong suspek na si Richard Nicolas, 42, Grab driver ng 17 E. Guniguni […]

  • SANYA, balitang papalitan na ni ANDREA bilang leading lady ni BONG; book two ng ‘First Yaya’ hinahanda na

    NAPANSIN ba ninyo ang isang guy in blue na tumakbong lumapit at mahigpit na yumakap sa first Olympic Gold Medalist ng bansa na si Hidilyn Diaz?      Walang iba kundi ang kanyang boyfriend of three years at strength and conditioning coach na si Julius Irvin Naranjo, a Filipino-Japanese weightlifter at the Asian Indoor and […]

  • Joy Belmonte at Tzu Chi foundation, umayuda sa mga jeepney drivers sa Quezon City

    Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at ng mga opisyal ng  Taiwanese NGO na Tzu Chi foundation  ang pamamahagi ng bigas at grocery items sa may 2,500 jeepney drivers ng ­Quezon City.   Sa isang simpleng seremonya sa QC Hall kahapon, sinabi ni ­Mayor Belmonte na malaking tulong ang kaloob na ayuda sa mga […]