Barangay employees, kasali na sa ‘Pambansang Pabahay’
- Published on April 4, 2023
- by @peoplesbalita

Batay ito sa probisyon ng isang memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan kamakailan nina Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar at Interior Secretary Benhur Abalos.
Base sa kasunduan, magtatayo ng housing units para sa mga mahihirap na barangay worker at informal settler sa ilalim ng “Pambansang Pabahay” program.
Target sa kasunduan na mabigyan ng pabahay ang mga mahihirap na barangay tanod, day care teachers, response team workers at iba pang kuwalipikadong empleyado, maging ang mga permanent, contractual o casual workers.
“Sa tulong po ng DILG, we are finally bringing our program to the barangay level,” ayon kay Acuzar.
Kasama rin sa programa ang informal settler families bilang buyer-beneficiaries ng affordable housing units.
Tutulong umano ang DILG sa mga barangay para tukuyin ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng social preparation, census enumeration, socio-economic profiling at pagtatalaga ng social parameters. (Daris Jose)
Other News
-
Ginebra nakuryente sa Meralco
PINALAKAS ng Meralco ang kanilang pag-asa sa quarterfinals matapos basagin ang Barangay Ginebra, 90-73, sa 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum. Kumolekta si Chris Newsome ng 18 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa 5-3 record ng Bolts tampok ang dalawang sunod na panalo. Nag-ambag […]
-
Kapitbisig sa Pag-unlad MPC, naiuwi ang Cooperative Awards for Continuing Excellence sa GGK 2022
LUNGSOD NG MALOLOS – Sa lahat ng natatanging mga kooperatiba sa lalawigan, naiuwi ng Kapitbisig sa Pag-unlad MPC mula sa bayan ng Pandi ang pinakamataas na parangal na Cooperative Awards for Continuing Excellence sa isinagawang Gawad Galing Kooperatiba 2022 sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng […]
-
Ads February 18, 2025