Barangay Kamuning ‘di isasailalim sa lockdown — Mayor Joy
- Published on January 16, 2021
- by @peoplesbalita
Wala umanong basehan para isailalim sa lockdown ang Brgy. Kamuning matapos na isang residente dito na galing Dubai ang kaunaunahang na-infect ng UK COVID variant.
Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasabay nang pagsasabing hindi na nakarating sa kanyang bahay ang pasyente matapos itong dumating sa bansa dahil agad itong dinala sa isolation facility.
“Una sa lahat, Kamuning in fact has the lowest numbers of COVID-positive patients at the moment. Since hindi naman lumapag sa barangay, hindi naman siya umuwi at ‘di pa lumalabas ‘yung resulta ng BHERT (barangay health emergency response teams) na positive sila, although quarantined na sila nga-yon, wala pa tayong sapat na batayan na i-lockdown ‘yung Barangay Kamuning. Hindi na po siya bumaba sa Barangay Kamuning. Siya po ay diniretso sa isolation facility,” pahayag pa ni Belmonte.
Kasabay nito binalaan din Mayor Belmonte na mananagot sa ilalim ng anti-discrimination ordinance ang sinumang mapapatunayang nangutya o nagkait ng pantay na karapatan sa isang indibiduwal dahil lamang sa dito nakatira ang lalaking natukoy na nagtataglay ng bagong variant ng COVID-19.
Wala rin anyang dapat ipangamba ang publiko dahil nasa isang maayos na health facility na ang lalaki kasama ng mga taong natukoy na nakasa-lamuha nito.
Niliwanag naman ni Mayor Belmonte na is- triktong ipinatutupad ang protocol sa QC kaugnay ng kampanya laban sa pandemic.
Nananawagan din si Mayor Belmonte kay DILG Secretary Eduardo Año na pabalikin sa serbisyo ang mga contact tracers na naipagkaloob nito sa QC noong nagdaang taon.
Magugunitang kamakalawa ay inamin ng DOH na isang lalaki buhat sa Dubai ang dumating sa bansa noong Enero 7 ang nagtataglay ng UK COVID variant. (ARA ROMERO)
-
Flattered na tawagin na bagong ‘Horror Queen’ BEAUTY, willing na i-donate ang sinuot na antique necklace sa National Museum
MINSAN nang naintriga si Beauty Gonzalez dahil sa sinuot niyang antique necklace. Pero sa mediacon ng ‘Kampon,’ sinabi ni Beauty na willing siya na i-donate sa National Museum ang mga gold jewelry na isinuot niya sa GMA Gala 2023 na naging kontrobersyal. Sa Metro Manila Film Festival 2023 official entry ang ‘Kampon’ kung saan ay […]
-
Hirit ng mga transport group na dagdag pasahe, posibleng madesisyunan – LTFRB
SIGURADO umanong bago ang Hunyo 30 ay makakapagpalabas na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng desisyon kaugnay ng hirit ng ilang transport group na dagdag pasahe. Sinabi ni LTFRB executive Dir. Maria Kristina Cassion, sisikapin daw ng board na makapagpalabas ng desisyon hanggang sa katapusan ng buwan. May […]
-
Gobernador ng Bulacan, pinasinayaan ang bagong gusali ng blood center at public health office
LUNGSOD NG MALOLOS – Upang matiyak ang sapat na suplay ng ligtas na dugo para sa mga Bulakenyo sa pamamagitan ng boluntaryong donasyon ng dugo, pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando ang bagong pasilidad ng Provincial Blood Center at Provincial Health Office – Public Health sa Bulacan Medical […]