BARBIE, natanggap na rin ang ‘Gold Play Button’ dahil sa higit isang milyong subscribers sa YouTube
- Published on June 5, 2021
- by @peoplesbalita
NATANGGAP na ni Barbie Forteza ang Gold Play Button niya mula sa YouTube dahil mahigit na 1 million na ang subscribers niya.
Para kay Barbie, isang internet milestone ito dahil nagkaroon siya ng isang milyong subscribers para panoorin siya sa kanyang mga videos na nagsimula lang bilang pampalipas oras niya.
“Nakakataba ng puso kasi talagang achievement siya sa isang bagay na hobby ko lang naman,” sey ni Barbie.
Pareho na sila ng boyfriend niyang si Jak Roberto na may Gold Play Button. Pinaghahandaan na raw nila ang mga gagawin nilang new collaborations at pati na ang isang short film na exclusive lang na mapapanood sa YT channels nila.
Kasalukuyang napapanood si Barbie bilang si Cors sa top-rating GMA teleserye na Heartful Cafe. Tinanggap daw niya ang role dahil first time niyang gumanap na mataray at sosyal, at ang pagkakataon na makasama si Julie Anne San Jose sa isang teleserye.
***
ANG sweet ng pagbati kay Morissette Amon ng kanyang fiance na si Dave Lamar noong nakaraang 25th birthday nito.
Post ni Dave: “Dunno where to start and once I did I dunno how I could end. To the most beautiful, talented, caring, loving, exciting, adventurous person I know, happy birthday. Thank you for shining that beautiful light of yours, mi love! I adore you with all my heart and wish nothing but happiness and a life full of adventures. Continue to bless people with your supernatural voice and smile! Your smile is still the most beautiful thing to me. I looooove you kaayo, Bowby!!!!”
Birthday wish naman ni Morissette: “I couldn’t ask for anything better than to just be healthy and happy, which I am. So excited for this next chapter filled with more music, experiences, and stories to share. Cheers!”
Na-engage sina Dave at Morissette noong September 2020. Wala pa silang inaanunsyo kung kelan ang kanilang wedding date.
***
MULING gagawa ng pelikula si Taylor Swift at kasama siya sa latest film project ng filmmaker na si David O. Russell kunsaan makakasama niya sina Anya Taylor-Joy, Margot Robbie, John David Washington, Christian Bale, Zoe Saldana, and Chris Rock.
Taong 2015 pa ang huling movie na dinirek ni Russell. Ito ay ang Joy na bida si Jennifer Lawrence. Si Russell ang nakapagbigay ng Oscar best actress kay J-Law para sa pelikulang Silver Linings Playbook. Dinirek din niya ang American Hustle at The Fighter.
Sikreto ang bagong pelikula ni Russell na isang period drama.
Huling nilabasan na pelikula ni Taylor ay ang musical na Cats in 2019. Ginawa rin niya ang Valentines Day, The Giver at The Lorax (as the voice of Audrey).
(RUEL MENDOZA)
-
‘Outstanding Asian Star Prize’ sa 17th SDA: BELLE, tinalo si DONNY at mga kapwa-ABS-CBN artists
WE don’t say no to our mentors, lalo na kung ang mentor is someone like Chito S. Rono. Kaya sure kami na yes agad ang naging sagot ng award-winning actor na si Christian Bables kay direk Chito nang alukin siya to play a role sa ABS-CBN remake ng classic Pinoy superhero character na si […]
-
Pope Francis muling nanawagan ng pagtigil ng giyera sa Israel
MULING nanawagan si Pope Francis ng pagtatapos na ng labanan sa pagitan ng Hamas at Israel. Sa kanyang traditional Angelus prayer sa St. Peter’s Square, sinabi nito na ang giyera ay laging pagkatalo at pagkasira ng pagiging magkapatid. Dagdag pa nito na muli siyang nanawagan ng pagbubukas ng daanan para ng […]
-
VACCINATION CARD SA PAMPUBLIKONG PALENGKE, INISPEKSIYON NG DOH
NAGSAGAWA ng inspeksiyon ang Department of Health (DOH) sa mga vaccination cards sa mga may-ari ng puwesto sa isang pampublikong palengke upang masiguro na nakumpleto nila ang kanilang bakuna. Pinangunahan ng inspeksiyon ni DOH-Ilocos Region Licensing Officer Charito Buado kasama ang Malasique Rural Health Unit ang inspeksiyon sa Malasique Public Market sa Malasique […]