Barbosa tiwalang makakapasa sa Olympic Qualifying Tournament
- Published on February 8, 2021
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA!
Iyan ang saloobin ni 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 men’s taekwondo 54-kilogram gold medalist Kurt Barbosa sa susuunging Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Amman, Jordan sa papasok na buwan.
Nakabilang ang 21 anyos, isinilang sa Bangued, Abra, pambato ng National University at 2018 University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Most Valuable Player-Rookie of the Year, sa limang pinili ng Philippine Taekwondo Association (PTA) para sa three-month bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Kasabayan niya OQT ‘Calambubble’ training sina Pauline Louise Lopez, Kirstie Elaine Alora, Arven Alcantara at Samuel Thomas Morrison. Pero apat lang ang ipapadala ng PTA sa OQT sa Marso.
“Sa pagsisikap po naming lahat, tiala akong may papasa amin sa Jordan OQT,” aniya nitong isang araw. (REC)
-
PAGGAMIT NG VCM, PINAG-AARALAN
PINAG-AARALAN ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng masusing pagtalakay sa paggamit ng mahigit 97,000 vote counting machines (VCMs) sa darating na halalan sa bansa. Sinabi ni acting poll body chairperson Socorro Inting sa isang forum na mahigit 107,000 VCMs na ginamit noong Mayo 2022 election, mahigit 97,000 ang ginamit sa mga […]
-
51 Pinoy sa Gaza, humiling ng ma-repatriate dahil sa banta sa kanilang seguridad – PH envoy to Jordan
AABOT na sa 51 Pilipino sa Gaza ang humiling para sa repatriation dahil banta sa kanilang seguridad sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas ayon kay PH Ambassador to Jordan Wilfredo Santos. Ayon pa sa PH envoy, tinatalakay na nila ito kasama ang iba pang mga […]
-
A cure at the cost of humanity. “Love You as the World Ends” takes audiences to the heart of the apocalypse
Humanity is at the brink of destruction, and the cure might entail the ultimate cost. Love You as the World Ends follows a group of survivors fighting for their lives and their loved ones as the Golem virus turns the majority of the human race into rabid zombies. Watch the trailer […]