• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baril, bala, granada nasabat ng CIDG sa apartment ng naarestong drug suspect

NAKAKUMPISKA pa ang pulisya ng baril, bala at granada sa inuupahang apartment ng isa sa dalawang lalaking unang nahuli sa pagbebenta ng hindi lisensiyadong baril at pag-iingat nang mahigit P1 milyong halaga ng shabu at marijuana, Martes ng hapon sa Caloocan City.

 

 

Sa follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Jynleo Bautista, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group ng Northern District Field Unit (CIDG-NDFU) sa isang hideout ni Emmanuel Joseph Bendal, 31 sa Room 3 David Apartment, McArthur Highway, Dalakitan, Brgy. San Matias, Sto Tomas, Pampanga alas-10:30 ng gabi, nasamsam ang isang hindi lisensiyadong Norinco Cal. 45 pistol, dalawang magazine assembly na may anim na bala at isang MK-2 na granada.

 

 

Ayon kay P/Cpl. Ferdinand Yap, isa sa mga operatibang nagtungo sa naturang lalawigan, kusang inamin ni Bendal ang pag-iingat ng nasamsam na baril at granada at sa tulong ng kapatid ng suspek na si Angelica Bendal Razo, madali nilang natunton ang lugar, kasama ang ilang tauhan ng Pampanga Provincial Field Unit atĀ  opisyal ng barangay ng San Matias na tumayong testigo sa isinagawang police operation.

 

 

Nauna rito, nadakip ng pinagsanib na puwersa ng CIDG-NDFU at Northern Police District (NPD) sina Bendal at driver niyang si Jess Noriega, 41 sa isang buy-bust operation Martes ng hapon sa 7th Avenue, Caloocan City matapos pagbentahan ng hindi lisensiyadong kalibre .45 baril ang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Narekober sa mga nadakip ang shabu at marijuana na may kabuuang halagang P1,528,000.00, pati na ang ibinebentang baril, mga bala at buy bust money.

 

 

Nauna ng binanggit ni Lt. Col. Bautista na sangkot ang dalawa sa pagbebenta ng ilegal na droga at hindi lisensiyadong armas sa area ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA). (Richard Mesa)

Other News
  • Thankful at nawindang ng bongga sa pagpayag na mag-guest: ICE, inaming malakas ang loob na mag-ala-REGINE ‘pag lasing

    INISA-ISA nga ng OPM icon na si Ice Seguerra sa kanyang sunud-sunod na Facebook at Instagram post ang mga special guest niya sa ‘Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert’ na magaganap na ngayong October 15 sa The Theater at Solaire.     Para kasi sa singer-songwriter at direktor na rin, dream come true nga na […]

  • Eala pasok na sa main draws ng W80 Poltiers tournament sa France

    NAKAPASOKĀ  sa main draw ng W80 Poltiers tournament sa France si Pinay tennis player Alex Eala.     Ito ay matapos talunin niya ang dalawang French players sa magkasunod na sets sa qualifiers.     Tinalo nito sina Diana Martynov at Astrid Cirotte sa score na 6-1, 6-2.     Sa qualifying second round ay […]

  • Tokyo Olympics organizers tiwala pa rin na matutuloy ang mga laro sa Hulyo

    Tiwala pa rin ang organizers ng Tokyo Olympics na matutuloy pa rin ang mga laro kahit na nahaharap sila malaking pagsubok at ito ay ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.     Sa natitirang 99 araw bago ang July 23 Olympics ay positibo pa rin ang mga organizers na matutuloy ang mga events. […]