Baril, P280K droga nasabat sa 5 drug suspects sa Malabon at Navotas
- Published on July 12, 2024
- by @peoplesbalita
NASAMSAM ng pulisya sa limang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang isang baril at halos P.3 milyong halaga ng shabu matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ikinasa ng operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Mark Xyrus Santos ang buy bust operation kontra kay alyas ‘Wangbu’, 43, ng Brgy. Catmon matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng shabu.
Nang tanggapin ng suspek ang isang P500 bill na may kasamang anim pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P170,000.00, isang caliber .45 pistol na may isang magazine na kargado ng anim na bala at buy bust money.
Sa Navotas, bandang alas-11:41 ng gabi nang malambat naman ng mga operatiba ng SDEU ng Navotas police sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa ikinasang buy bust operation sa Los Martirez St., Brgy. San Jose, sina alyas Louie, 47 at alyas Richie, 51.
Sa ulat ni Capt. Sanchez kay Navotas police chief Col. Mario Cortes, nasamsam sa mga suspek ang aabot 10.69 grams ng sinasabing shabu na nagkakahalaga ng P72,692.00 at buy bust money.
Nauna rito, natiklo ng kabilang team ng SDEU-Navotas police sa buy bust operation sa Bonito St., Brgy. NBBS Kaunlaran, alas-10:39 ng gabi sina alyas ‘Rally’, 20, at alyas ‘Payat’, 52. Nakuha sa kanila ang ang humigi’t kumulang 5.66 grams umano’y shabu na may katumbas na halagang P38,488.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan kasong paglabag sa RA 10591 ang kakaharapin pa ni “Wangbu”. (Richard Mesa)
-
Avaricio kapit-tuko pa rin sa tuktok ng ICTSI Pradera
NAKIPAGSABAYAN si Chanelle Avaricio sa malakas na bugso ng hangin sa Pradera Verde Golf and Country Clubsa Lubao, Pampanga Miyerkoles, sinalpak ang 74 na nagtakda sa bukas pa ring labanan para magrereyna sa ICTSI Pradera Verde Championship women’s division. Pero kapit pa rin sa tuktok ang 9th Ladies Philippine Golf Tour 2022 three-leg […]
-
CASTMATES AND FELLOW FILMMAKERS RAVE ABOUT DEV PATEL IN HIS DIRECTORIAL DEBUT “MONKEY MAN”
Oscar® nominee Dev Patel (“Lion,” ”Slumdog Millionaire”) achieves an astonishing, tour-de-force feature directing debut with an action thriller about one man’s quest for vengeance against the corrupt leaders who murdered his mother and continue to systemically victimize the poor and powerless, in “Monkey Man.” Watch the trailer: https://youtu.be/L-Sc3Hzw_a4?si=gFIOLaZR4o3j5cvb The film, certified Fresh on review aggregator Rotten Tomatoes, has been […]
-
Nakipagbarilan, drug suspect todas sa Malabon buy bust
Todas ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang suspek na si Erwin Arcega, 39 ng 41 Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog na hindi na umabot ng buhay […]