• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baril tinangkang agawin, drug suspect malubha sa pulis

Nasa malubhang kalagayan ang isang 32-anyos na drug personality na nagtangkang gahasain ang isang 15-anyos na estudyante matapos pumutok ang service firearm ng isang pulis na kanyang tinangkang agawin sa isang entrapment operation sa Caloocan city.

 

 

Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) officer-in-charge P/Maj. Amor Cerillo ang naarestong suspek na si Angelito Mandap, ng 335 Libis Talisay, Brgy 12.

 

 

Sa kanyang report kay P/Lt. Col. Allan Umipig, acting chief ng District Intelligence Division (DID), sinabi ni Maj. Cerillo na humingi sa kanila ng tulong ang isang 15-anyos na dalagita matapos tangkain gahasain ni Mandap nang mabigo siyang akitin ang biktima na makipagtalik sa kanya kapalit ng isang cellphone.

 

 

Sinabihan ni Cerillo ang biktima na muling makipagkita sa suspek matapos ang isinagawang briefing para sa isasagawang entrapment operation na nilagyan ng sulat ng koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya na nagpapatupad ng batas, kabilang ang Caloocan City Police.

 

 

Habang hinihikayat ni Mandap ang biktima na makipagtalik sa kanya nang magkita sila sa kahabaan ng Libis Talisay St., dakong 10 ng umaga, agad inatasan ni Maj. Cerillo si P/SSgt. Francis Gary Dilag at apat na iba pang pulis na arestuhin ang suspek.

 

 

Gayunman, pumalag si Mandap at tinangkang agawin ang service firearm ni SSgt. Dilag kaya’t nagpambuno ang mga ito hanggang sa pumutok ang baril at tinamaan ang suspek sa ibabang bahagi ng tiyan na tumagos ang bala sa likod.

 

 

Isinugod siya sa Caloocan City Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan habang napag-alaman ng pulisya na kabilang si Mandap sa Drug Watch List ng Brgy. 12 sa Caloocan city.

 

 

Ayon kay Maj. Cerillo, kasong paglabag R.A 7610 (Child Abuse), paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority) at Art 148 of RPC (Direct Assault) ang isinampa nila kontra sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads April 27, 2022

  • Pelicans star Williamson napiling isa sa cover ng NBA 2K21

    Napili bilang cover ng NBA 2K21 si New Orleans Pelicans star Zion Williamson.   Ang nasabing anunsiyo ng ay isang araw matapos na unang napiling maging cover si Portland Trail Blazers guard Damian Lillard.   Sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo ng NBA kung sino ang pangatlong player na magiging cover ng nasabing NBA […]

  • Cornejo, Lee guilty sa ‘illegal detention for ransom’ vs Vhong Navarro — korte

    HINATULANG  “guilty beyond reasonable doubt” sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawang iba pa kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng TV host-actor na si Vhong Navarro.     Reclusión perpetua ang ibinabang hatol ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sa nangyaring promulgation ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa […]