BARON, nag-sorry sa mga nasaktan na bading noong ‘bad boy’ pa siya; JOEL, may ibinahagi rin na ‘di malilimutang karanasan
- Published on October 28, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-SORRY si Baron Geisler sa mga nasaktan niya na mga bading noong ‘bad boy’ pa siya.
Sa virtual mediacon ng BarumBadings, ang newest offering ng Vivamax na mula sa direksyon at panulat ni Darryl Yap, natanong ang cast na noong kabataan ba nila ay naging barumbado dahil sa mga bading at ano ang natutunan nila sa situasyon.
Sagot ni Baron, “I think this is the best time to say sorry to those I hurt during the time I was very bad boy o barumbado.
“Kunwari, may madaanan lang ako na bading, nasasampal ko sa mukha, nasa tatlo yata ‘yun. So, kung sino man kayo, sana po mapatawad n’yo na ako.
“Thank you, dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-apologize sa kanila.”
Pag-amin pa ni Baron, “it’s not good to hurt anyone, psychologically and physically. It is really bad. And be kind to everyone. And respect boundaries as well.
“Noong nasa loob ako ng rehab, nakita ko yun past mistakes ko at sobrang maling-mali ‘yun ginawa ko talaga, kaya nagso-sorry ako from the bottom of my heart.”
Kuwento naman ni Joel Torre, nagpapasalamat siya na hindi siya nagkaroon ng indecent proposals from gays, pero buo ang respeto niya dahil marami siyang kaibigan at nakatrabaho na mga bading.
Pero dagdag pag-amin ang premyadong aktor, “pero once lang, parang dinakma ako sa isang premiere night, kaya nilapitan ko at sinabihan na, ‘don’t ever to that again’, hanggang doon lang, hindi ko naman sinigawan o nagwala ako.
“Ang sa akin, respeto lang. Respect begets respect.”
Wala naman karanasan sina Jeric Raval at Mark Anthony Fernandez na naging barumbado dahil sa ginawa ng isang bading, at aminado rin sila marami silang naging kaibigan.
Anyway, kaaliw ang ginawang teaser ni Direk Darryl sa kanyang social media post sa pag-I-introduce sa tatlong aktor bilang “Mga Bagong Reyna ng Viva.” At tinawag pa niyang Jerica Raval, Marie Antoinette Fernandez, at Baroness Geisler ang mga bida ng Barumbadings.
Ang award-winning actor na si Joel Torre aka Jewel Torre ay gaganap na Mother Joy, na siyang nagbubuklod kina Izzy (Jeric), Jopay (Mark Anthony), at Rochelle (Baron).
Kasama rin sa action-comedy film sina John Lapuz as Queenpin, also a gay, at Cecil Paz as Buchi, na isa namang lesbian, na ex-lovers na naging mortal enemies.
Tegi na ang mga baklang madrama. Action star na ang mga reyna! Kaya don’t dare miss the fun and action sa Barumbadings, streaming exclusively sa November 5 sa Vivamax.
(ROHN ROMULO)
-
Ads November 27, 2020
-
First guest na si Bea, inalala ang first encounter nila: Dream talk show ni BARBIE, nai-launch na sa kanyang YouTube channel
NAI-LAUNCH na ang dream talk show ni Barbie Forteza sa kanyang YouTube channel na ‘Coffee Talk with Barbie Forteza’. Ito raw ang gustong gawin na ni Barbie ngayon at every week ay may bago siyang mai-interview na sikat na celebrity. “I’ve always wanted to have my own talk show […]
-
$2-M ADB grant para suportahan ang ‘Odette’ relief ng Pilipinas
INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang $2-million grant para suportahan ang emergency response ng gobyerno ng Pilipinas sa mga nasalanta at nawasak na lugar sa central at southern provinces dulot ng bagyong Odette. Ang bagyong Odette ang itinturing na “strongest typhoon” na tumama sa bansa noong nakaraang taon. Ang grant […]