• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Base sa kanilang Instagram post: BOY, tuloy na tuloy na ang pagbabalik sa GMA Network

KAABANG-ABANG ang tinutukoy sa Instagram post ng GMA Network kahapon, Disyembre 7.
Caption sa post, “Handa na BA ang lahat sa HOMECOMING ng isang SHOWBIZ icon?
“Abangan ang kanyang pagbabalik sa GMA coming soon!”
Matagal nang lumabas ang pagbabalik-Kapuso ni King of Talk Boy Abunda at mukhang tuloy na tuloy na nga ito.
May pahayag din si Kuya Boy na gustung-gusto na niyang makabalik sa pagho-host ng isang talk show.
Well, abangan na lang natin ang mga next details pa ng naturang IG post ng GMA Network.
***
ISANG pagkakataong pagtatagpo na humantong sa instant friendship.
Nabigyan ngà ng pagkakataon si Rep. Geraldine Roman na makilala ng upclose and personal si Ms. Charo Santos-Concio, ang tinanghal na best actress sa The 5th EDDYS, ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) noong Nobyembre 27 sa Metropolitan Theater sa Maynila.
Sa patio ng makasaysayang, at bagong restore na teatro, na dating sentro ng eksena sa sining at kultura ng Maynila, ang dalawang babae ay nagpalitan ng kanilang mga kaalaman kung paano nila masusulong ang kanilang mga adbokasiya.
Ilan sa mga adbokasiya ni Rep. Roman ay pagkakapantay-pantay, Oh My Gulay! Healthy Na, May Kita Pa Program, Ecotourism, Basic Digital Literacy Training.
Ang pagkakapantay-pantay ay isang dahilan na malapit sa puso ng dating pangulo ng ABS-CBN.
Ito ang ikalawang Best Actress ni Charo para sa kanyang pelikula sa wikang Bisaya, ang ‘Kun Maupay It Panahon’. Una siyang nakasungkit ng tropeo sa FAMAS.
Si Rep. Roman ay kabilang sa mga espesyal na panauhin sa Thev5th EDDYS, kung saan isa sìya sa presentor na kung saan pinarangalan ang mga movie icons.
Samantala, nag-premiere na last November 30, 7 p.m. ang kanyang unang You Tube vlog, na “Geraldine Romantik”
Sa naturang vlog, nagbigay-daan ito sa mga manonood na makilala ng husto at personal ang Bataan District 1 Representative.
Ang unang edisyon ay binuo sa paligid ng temang, “Kilalanin natin si Geraldine Roman,” o kilala bilang ang unang transgender na taong nahalal sa Philippine House of Representatives, kung saan siya ay itinalaga bilang chairperson ng House Committee on Women and Gender Pagkakapantay-pantay.
Ang Part 2 ng naturang first vlog ni Rep. Roman na “Geraldine Romantik” ay simula nang mapanood kagabi (Dec. 7) sa kanyang You Tube, na kung saan mas lalo pa siyang nakilala.
(ROHN ROMULO) 
Other News
  • Kaya thankful sa kanyang management: RONNIE, tuloy lang ang projects kahit busy sa pag-aaral

    THANKFUL ang singer-actor na si Ronnie Liang sa Viva Artists Agency (VAA) dahil kahit na naging abala siya sa kanyang pag-aaral at sa Philippine Army, tuloy lang daw ang pagbigay sa kanya ng projects.     “I’m very grateful to Boss Vic (del Rosario), Ma’m Veronique (del Rosario), and Boss Vincent (del Rosario) for all […]

  • Ads February 1, 2022

  • Number coding, maaaring mapalawak sa Kalakhang Maynila ngayong Alert Level 1 na- MMDA

    MAAARING lumawak pa ang number coding scheme sa Kalakhang Maynila ngayong sumailalim na sa Alert Level 1.     Ang pahayag na ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay matapos na ianunsyo ng Malakanyang ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang National Capital Region at 38 iba pang lugar ay isasailalim […]