• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baseball legend Joe Morgan, pumanaw na, 77

PUMANAW na ang baseball legend na si Joe Morgan sa edad 77.

 

Ayon sa tagapagsalita ng pamilya na nagkaroon ito ng sakit na polyneuropathy isang sakit na nakakaapekto sa mga ugat.

 

Itinuturing na isa sa pinakamagaling na 2nd baseman sa Major League Baseball.

 

Matapos ang kaniyang baseball career ay naging baseball broadcasting star na ito.

 

Nagsimula itong sumikat sa baseball mula 1963 hanggang 1984 na naglaro sa limang koponan gaya ng Houston Colts, Astros, SF Giants, Philadelphia Philies at Oakland Athletics.

 

Nakilala sa tagumpay sa panalo ng dalawang World Series sa “Big Red Machine” sa Cincinnati noong 1975 at 1976.

 

Ilan sa mga pagkilala na natanggap niya ay ang 2-time National League MVP, 10 All- Star appearance, 5 Gold Gloves at 1 Silver Slugger.

 

Taong 1990 ng na-induct itong Baseball Hall of Fame sa Cooperstown.

Other News
  • Pinas, Ethiopia nagkasundo na magtulungan sa kalakalan, teknolohiya, Manila-Addis Ababa Air Linkage

    “AFRICA positioning itself as an emerging major economy has brought global excitement, and the Philippines could seize the opportunity by forging stronger partnership with Ethiopia, one of the region’s major economies.”     Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos na mainit na tinanggap si Ethiopian Ambassador Dessie Dalkie Dukamo sa Palasyo […]

  • Tuluy-tuloy na bloodless war on drugs in PBBM magreresulta sa maraming pagkumpiska, pag-aresto

    WALANG pag-aalinlangan ang isang matataas na opisyal ng Kamara na ang anti-drug operations ng administrasyon ni Pangulong Marcos ay mas magiging matagumpay sa pinaigting na operasyon ng mga otoridad subalit mas konti ang inaasahang mamamatay.     “The 52% significant drop in the number of fatalities, as reported by PDEA (Philippine Drug Enforcement Authority) is […]

  • SCHOOL SERVICE OPERATORS, DRIVERS, KAILANGAN DIN NG AYUDA!

    Dahil walang face-to-face classes sa mga paaralan, isa sa pinaka-apektadong sektor ay mga school service providers.  Tahimik na bahagi ng transport sector pero napakahalaga ang role nila sa pangangalaga ng mga estudyante, sa pagsundo sa bahay at paghatid sa mga paaralan, at pabalik.  Malaking tulong din sila sa pagtitipid ng mga magulang sa gastos sa pamasahe o […]