Baseball na tinamaan ni Japanese player Ohtani naibenta sa halagang $4.4-M
- Published on October 25, 2024
- by @peoplesbalita
NAIBENTA sa halagang $4.4 milyon sa auction ang bola na tinamaan ni Los Angeles Dodger superstar Shohei Ohtani.
Ang nasabing pagtama nito ay siyang pang-50 na home run sa Major League Baseball.
Ang 30-anyos na Japanese hitter ay siyang kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan ng baseball na nakatama ng 50 home runs at nakakumpiska ng 50 bases sa loob ng isang season.
Naganap ang nasabing record noong Setyembre 19 sa laban nila kontra Miami Marlins.
Itinuturing din na ang nasabing bola ang siyang pinakamahal na nabili sa isang auction mula sa hindi na pinangalanang buyer.
Noong 1999 kasi ay nabili ang baseball sa halagang $3-M mula sa record-breaking ball ni Mark McGwires sa 1998 MLB season.
-
Saso PSA Athlete of the Year
Sa kabila ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, nagawa ni Asian Games champion Yuka Saso na magningning upang tanghaling PSA Athlete of the Year para sa taong 2020. Dalawang korona ang nasungkit ni Saso sa Japan LPGA habang pumang-13 ito sa prestihiyosong US Open para bigyan ng pagkakataon ang mga kababayan nito na magdiwang. […]
-
Senator Marcos namahagi ng mga bangka at lambat sa mangingisdang Navoteños
UMABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco. Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador. […]
-
BEBOT PATAY, 1 SUGATAN SA LOOB NG MANILA NORTH CEMETERY
PATAY ang isang 33-anyos na dalaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng Manila North Cemetery habang sugatan din ang kasamahan nito, Martes ng hapon. Kinilala ang nasawi na si Marivic Quiso y Reyes, alyas Bechay, ng 78 Maria Clara St., Banawe,Quezon City. Inoobserbahan naman sa Jose Reyes […]