Basurang iniwan ng bagyong Enteng sa Malabon, nalinis na
- Published on September 13, 2024
- by @peoplesbalita
NAALIS na ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Malabon ang mga basurang naiwan sa mga kalsada pagkatapos ng Bagyong Enteng.
Ang cleanup operation ay bilang tugon sa kamakailang mga alalahanin ng publiko at mga reklamo sa social media tungkol sa mga tumpok ng basura sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Sa kabila ng mga alegasyon na kumakalat sa social media, na sinasabing laganap pa rin ang basura at nagdudulot ng mabahong amoy, mabilis na tinugunan ng CENRO ang sitwasyon at agad na ipinakalat ang mga koponan upang maibalik ang kalinisan sa buong Malabon.
“Naririnig namin ang mga alalahanin ng aming mga residente, at mabilis kaming kumilos upang malutas ang isyu. Ang aming mga team ay nagtrabaho nang walang pagod para maglinis pagkatapos ng Bagyong Enteng,” sabi ni CENRO Head, Engr. Maria Santos.
Pinuri naman ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang p CENRO sa kanilang pagsisikap: “Congratulations to CENRO for their dedication and quick response in ensuring that our streets are clean and safe again. Ito ang klase ng serbisyo na ipinagmamalaki natin—maagap, masinop, at tapat sa tungkulin. Salamat sa lahat ng tumulong sa cleanup operation.”
“Malabon, patuloy nating suportahan ang kalinisan sa ating lungsod. Hinihikayat ko kayong lahat na itapon ang basura nang maayos at sumunod sa tamang waste disposal practices. Magtulungan tayo para mapanatili ang kalinisan ng ating mga kalsada at komunidad.” panawagan ni Mayor Sandoval sa lahat ng Malabueño.
Tinuligsa din niya ang mga nagpapakalat ng pekeng balita sa social media. “Nakakalungkot na may mga nagpapakalat ng maling balita sa social media. Gusto ko lang linawin na hindi natin pinapabayaan ang ating lungsod. Huwag magpapaniwala sa mga nagpapakalat ng kasinungalingan. Nandito kami para siguraduhing malinis at maayos ang ating Malabon.”
Aniya, ang matagumpay na cleanup operation na ito ay isang patunay ng pangako ng Malabon sa pagbibigay ng malusog, at mas malinis na kapaligiran para sa lahat ng Malabueño. (Richard Mesa)
-
Maraming mga Filipino adults mas pipiliin pa ang kalusugan kaysa pag-ibig – SWS survey
MARAMING mga adult Filipino ang mas pipiliin pa ang kalusugan kaysa sa pag-ibig o pera. Ito ang naging resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station kung saan 57 percent sa mga dito ang pumili ng kalusugan, 31 percent ang pumili ng pag-ibig habang 11 percent lamang ang namili ng pera. […]
-
Isinugod sa ospital dahil ilang araw ng maysakit: RURU, kinilig nang husto sa labis na pag-aalaga ni BIANCA
ISINUGOD sa ospital pagkatapos na mag-taping para sa teleseryeng ‘Black Rider’. Base sa kanyang Instagram post, “Last night, kinailangan kong dumiretso sa E.R. from taping… dahil ilang araw na akong may trangkaso, masakit ang lalamunan at hirap magsalita. “Sinabihan ng Doctor na kailangan daw ng maayos na pahinga para sa mabilis na recovery. […]
-
12 e-sabong website, 8 socmed pages natukoy ng PNP
NABUKING ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na operasyon ng 12 e-sabong at walong social media pages sa kabila na iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil nito. Ayon kay Lt. Michelle Sabino, hepe PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) public information office, sa 12 websites na natukoy ng PNP dalawa ang nakarehistro […]