Bataan-Cavite bridge, paluluwagin ang trapiko sa Kalakhang Maynila-PBBM
- Published on April 4, 2023
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSANG inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang Bataan-Cavite Interlink Bridge na mapaluwag ang trapiko sa Kalakhang Maynila.
Si Pangulong Marcos ay dumalo sa Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) Milestone Ceremony na isinagawa sa bayan ng Mariveles sa Bataan.
Sinabi nito na ang travel time sa pagitan ng mga lalawigan ng Bataan at Cavite ay magiging 45 minuto na lamang mula sa limang oras.
“With the BCIB, it is projected that that five hours trip will now become as close – as quick as 30 minutes, reducing by as much as 86%, and we are reducing it to maybe 45 minutes of travel,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“That will be an incredible feat when it happens and would significantly help in decongesting Metro Manila as motorists will be able to travel without passing through the metropolis,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Aniya pa, makatutulong din ang interlink bridge na mabawasan ang presyo ng “goods at services” dahil ang transport at logistics costs ay bababa rin, “thereby generating immense savings all around.”
“And facing the challenges, it was prescient that we continued with this project until we got to this point, and I am sure until it is finished,” ani Pangulong Marcos.
“It is prescient because at the time we did not think of supply chain problems that now that we have. And this kind of improved connectivity is the perfect solution to that,” dagdag na wika nito.
Ang prediksyon naman ng Pangulo ay mga bagong oportunidad sa Bataan at Cavite at sa mga nakapalibot na lalawigan dahil sa “easier access” na magiging available sa publiko. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
UP guard Bea Daez, ikinagulat na mapili bilang WNBL ambassador
Ikinagulat ni dating University of the Philippines guard Bea Daez-Fabros sa pagkakapili sa kaniya ng WNBL bilang ambassador. Sinabi nito na hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok ni NBL executive vice president Rhose Montreal. Dagdag pa nito na layon nito ngayon ay palaguhin ang women’s basketball sa bansa. Nag-represent na […]
-
Laking gulat na nakapag-perform sa sold-out crowd: CHRIS ROCK, no comment at ‘di ina-accept ang apology ni WILL SMITH sa social media
NAKARAMDAM ng pagmamahal ang comedian na si Chris Rock nang mag-perform ito sa sold-out crowd sa Wilbur Theater in Boston. Ang comedy tour niyang ito ay naganap ilang araw lang pagkatapos ng controversial slap sa kanya ni Will Smith sa nakaraang Oscar Awards. Hindi raw inasahan ni Rock na mapupuno niya […]
-
BRAD & CO-STARS MAKE PIT STOPS TO EUROPEAN CITIES TO PROMOTE “BULLET TRAIN”
THE stars of Bullet Train dazzled in Paris, Berlin and London as the European tour kicked off earlier this week! Check out the photos below of Brad Pitt, Joey King, Aaron Taylor-Johnson and Brian Tyree Henry on the red carpet and photocall events. Watch Bullet Train in cinemas across the Philippines on August 03. Trailer: https://youtu.be/Eku2gerbnMc […]