Batang lalaki patay sa sunog sa Caloocan
- Published on March 25, 2022
- by @peoplesbalita
NASAWI ang isang tatlong taon gulang na batang lalaki matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City. Kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) chief Supt. Roberto Samillano Jr. dakong ala-1:30 ng Miyerkules ng hapon nang sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ni Edelita Sacil sa Block 5, Lot 14, Pampano St., Brgy. 14.
Mabilis umanong kumalat ang apoy sa naturang compound kung saan nakatira ang anim na pamilyang magkakamag-anak kaya’t hindi na nagawang makalabas ng kanilang bahay ang tatlong taon gulang na si Patrick Ace Francisco na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang undercontrol ni F/Sr. Insp. Arvin Jude Rapano dakong ala-1:56 ng hapon habang idineklara itong fire-out bandang alas-2 ng hapon.
Ani fire investigator FO3 Mark Vincent Severino, anim na bahay ang tinupok ng apoy na naging dahilan upang mawalan ng tirahan ang anim din na pamilya.
Nasa more or less P80,000 halaga naman aniya ng ari-arian ang natupok sa insidente habang inaalam pa ng BFP ang naging sanhi ng sunog. (Richard Mesa)
-
CHR, iniimbestigahan ang pag-atake laban sa election candidates, local officials
NAGSIMULA nang imbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pag-atake laban sa mga election candidates at opisyal sa buong bansa na nangyari bago at matapos ang paghahain ng certificates of candidacy (COC). Kinondena ang pag-atake, sinabi ng CHR na nag-deploy na ito ng ‘quick response operation’ para imbestigahan at suriin kung ang pag-atake […]
-
Akala artista at type maging leading lady: RYAN, nag-sorry nang malamang kung sino si Atty. ANNETTE
MULING pumirma ng isang exclusive contact si Kapuso First Lady of Primetime Sanya Lopez sa GMA Network last Friday, September 29, attended by the top GMA executives sa pangunguna ni GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon. Naging emosyonal si Sanya nang magpasalamat siya sa lahat ng mga opportunities na […]
-
Mahigit P900-M na pondo inilaan ng DOTr para sa pagbuo ng 470km bike lanes sa buong bansa
PUMAPALO sa mahigit Php900-million na halaga ng pondo ang inilaan ng Department Transportation para sa plano nitong pagbuo ng mga bike lanes sa buong bansa ngayong taon. Ito ay alinsunod sa tinatarget ng ahensya na bumuo ng nasa kabuuang 470km na mga bike lanes sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na itatatag plano […]