• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Batangas LGU payag na magsilbing host sa training ng mga PBA teams

Pumayag na ang mga opisyal ng Batangay City government na tumayo bilang host sa training ng ilang PBA teams, bilang paghahanda sa pagbubukas ng 46th season ng liga.

 

 

Kasunod ito nang pulong nina PBA Commissioner Willie Marcial at Barangay Ginebra team governor Alfrancis Chua kahapon, Mayo 1, kasama sina Batangas City mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño.

 

 

Inalok ng city government ang Batangas Coliseum at kanilang gym sa Batangas State University bilang practice venues ng ilang PBA teams.

 

 

Umaasa si Marcial na aabot sa lima hanggang pitong koponan ng liga ang magte-training sa Batangas City.

 

 

Pero nilinaw nito na hindi ilalagay sa ilalim ng isang “bubble” environment ang training ng naturang mga koponan dahil uuwi din naman ang mga ito sa oras na matapos ang kanilang practice sessions.

 

 

Sa ngayon, hindi maaring makapag-train sa Metro Manila ang mga PBA ball clubs, dahil pinalawig hanggang Mayo 14 ang modified enhanced community status sa National Capital Region.

Other News
  • P215-B ang ambag ng Petrochemical Industry sa ekonomiya ng bansa next year – PBBM

    TINATAYANG nasa P215 billion ang magiging ambag ng Petrochemical industry sa ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.     Ito ang inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang tamulpati sa inagurasyon ng Expanded J-G Summit Petrochemicals manufacturing facility sa Batangas City.     Ayon sa Pangulo nasa kabuuang 6,2000 na direct at indirect […]

  • NDRRMC todo paghahanda na rin vs ‘Siony’: Mining, tourism, quarrying activities tigil muna

    NAGHAHANDA na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa bagyong Siony sa kabila ng nagpapatuloy na disaster response sa bagyong Rolly.   Una nang pinulong ng Council ang mga regional DRRMCs para talakayin ang on-going preparation sa severe tropical storm Siony.   Kabilang sa tinalakay sa pulong ay ang […]

  • SUSPEK TODAS SA GULPI NG GRUPO NG BYSTANDER SA CALOOCAN

    PATAY ang isang hindi pa kilalang lalaki na bumaril sa isang tricycle driver matapos pagtulungan kuyugin ng grupo ng bystander sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Sa ulat ni PCpl Mark Julius Pajaron kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, habang naglalaro ng table pool games sa P. Halili Street, Barangay 128 […]