• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BATAS ang MAKAKARESOLBA sa ISYU ng PMVIC

Bakit ang napakahalagang government function tulad ng emission testing at road-worthiness inspection ay ipinapasa ng DOTr sa pribadong sektor?

 

 

Taong 1984 nang nagkaroon ng pilot test ang motor vehicle inspection station sa LTO Central at tinawag itong North Motor Vehicle Inspection Station (NMVIS).  Nadagdagan nito sa LTO Region 3, 4-A, 7 at 11.

 

 

 

Noong 1999 ay isinabatas ang RA8749 o ang Clean Air Act.  Makikita na ang basehan ng pagtatag ng Motor Vehicle Inspection System ng LTO ay hindi ang RA8749 dahil naitatag ito noong 1984 nang wala pa ang RA 8749.

 

 

 

Pero may batas na noong 1984 na nagmamandato ng road worthy inspection – ang RA4136 o ang Land Transport and Traffic Code.  Sa RA4136 Sec. 34, ang mga sumusunod ang dapat mainspeksyon para masiguro ang roadworthiness ng isang sasakyan – tires, brakes, horns, headlights, taillights, stop lights, motorcycle and other light vehicles, lights when parked or disabled, windshield wiper, use of red flags mufflers. Kaya malinaw na para sa emission ang batas na umiiral ay RA8749, samantala sa roadworthiness ay RA4136.

 

 

 

Naging issue nga ito noong 2001 nang iminungkahi ang isang privatized Built Owned Operate (BOO) scheme ang na-conceptualize para sa isang standard motor vehicle inspection system na ipinasa sa NEDA para maaaprubahan.

 

 

 

Pero ang mga nakaupo noon sa Investment Coordination Committee ay mas pinanigan ang proposal na accreditation process, bagay na sinalungat naman ng Deparment of Transportation and Communications(DOTC) noong mga panahong iyon.

 

 

 

Dahil dito ang emission inspection ng mga pribadong sasakyan ay dumadaan sa Private Emission Testing Centers base sa Section 21 ng RA8749 habang ang mga public utility vehicles ay sa LTO MVIS base sa Section 34 ng RA4136.

 

 

 

Ano naman ang pinaghuhugutan ng mga Private Motor Vehicle Inspection Centers? Naglabas ang Department of Transportation ng DO 2018- 019 na ipinapasa ang roadworthiness inspection at emission testing sa mga accredited private motor vehicle inspection centers.

 

 

 

Ano ang naging basehan ng department order?  Ayon sa Office of the Solicitor General “outsourcing” ang ginawa ng DOTr nang ipinasa sa pribado ang emission at roadworthiness inspection sa mga PMVIC.  Ang legalidad ng Deparment Order ng Dotr ang pinagdududahan ng maraming mambabatas.

 

 

 

Bakit ang napakahalagang government function tulad ng emission testing at road worthiness inspection ay ipinapasa ng DOTr sa pribadong sektor?

 

 

 

Wala bang pondo para ma-upgrade ang kasalukuyang mga public motor vehicle inspection centers? Di ba’t naglaan na ng pera para dyan? Korapsyon ba ng ilang tiwaling opisyal ng LTO ito? Pag pribado ba ay walang korapsyon?

 

 

 

Kailangan ba ng bagong batas para masolusyunan na ito? (Atty. Ariel Enrile – Inton)

Other News
  • Pagpapasinaya sa Bicol International Airport, pinangunahan ni PDu30

    Sa kanyang naging talumpati, sinabi ng Pangulo na masaya siya na naging bahagi at kasama sa inagurasyon ngayon ni Pangulong Rodrgo Roa Duterte ang pagpapasinaya sa Bicol International Airport sa Brgy. Alobo, Daraga, Albay.   Ang pagkumpleto aniya ng world-class state ng gov’t infrastructure project ay nagbigay sa pamahalaan ng karangalan at kasiyahan dahil makapagbibigay […]

  • ELLEN, tinawag na ‘ingrata’ ng netizens at pinalalayas na sa ‘Pinas dahil sa planong mag-file ng kaso

    NEGA nga sa netizens ang balitang diumano’y planong mag-file ng legal complaints ni Ellen Adarna sa production ng John en Ellen kunsaan, naging show niya sa TV5.     Pagkatapos ng walk-out issue, heto’t mali raw ang ginawang pagsu-swab sa kanya kaya siya nag-false positive, pati ang P.A. niya. Na-trauma at hindi rin daw nakita […]

  • Navotas, nakiisa sa International Coastal Clean-up Day

    NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco sa International Coastal Clean-up Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng simultaneous cleanup activities sa lahat ng barangay sa Navotas.     Hinikayat ni Mayor Tiangco ang mga Navoteño na hindi lamang makiisa sa paglilinis tuwing mayroong espesyal na okasyon, kundi gawing habit […]