• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BATAS SA GAME FIXING, INIHAIN SA KAMARA

MALALIM na usapin ang game-fixing, ngunit walang pangil ang batas para maabatan ang isyu.
Nagkakaisa ang Mababang Kapulungan na napapanahon na para mapagtibay ang batas na magpapataw ng kaparusahan sa mga opisyal, coach, player at sinumang sangkot sa game-fixing.

 

Ito ang nilalaman ng dalawang bill sa Kongreso na sisimulang talakayin sa House Committee on Youth and Sports Development sa pamumuno ni Rep. Eric Martinez sa Marso 4.

 

Nakahain sa Kongreso ang panukalang HB No. 1226 ‘An Act Redefining The Crime of Game-Fixing and Prescribing Stiffer Penalties’ na inihain nina Rep. Enrico Pineda at Pacman Partylist Rep. Mikee Romero, may-ari rin ng Northport Batang Pier sa PBA.

 

Nakahain din ang HB. No. 5281 “An Act Redefining the Crime of Game Fixing and Providing Penalties’ na si Rep. Angelo Marcos Barba ang may akda.

 

Kabilang sa inimbitahan bilang ‘resource speaker’ sina Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, PBA Commissioner Willie Marcial, MPBL president Sen. Manny Pacquiao, gayundin ang kinatawan ng UAAP at NCAA.

 

Matagal nang isyu ang game-fixing na nagsimula noong dekada 70s sa PBA na kinasangkutan ng mga star players nito, subalit walang naparusahan sa kabila ng serye ng imbestigasyon.

 

Sa UAAP at NCAA – dalawang malaking collegiate league sa bansa – ay sentro rin ng kontrobersya, ngunit walang natukoy at naipit na sangkot dito.

 

“Kami sa GAB ay hindi nagkukulang para mabantayan namin ang mga liga na sanctioned ng ahensiya. We’re doing our best para malagay sa tama ang lahat. Actually, yung illegal bookies at illegal on-line cockfighting ay nilalabanan namin yan. At para masiguro na lehitimo ang mga tao na involve dyan, inimpose d namin yung pagkakaroon ng mga lisensya ng lahat ng involve sa sabong,” pahayag ni Mitra.

 

Ngunit, sa pro league tulad ng basketball, football, at boxing, mabigat na usapin ang game-fixing kung kaya’t napapanahon ang naturang panukalang batas.

 

“Kung mataas ang penalty at mabigat ang kaparusahan, magdadalawang isip sigurado ang mga gustong ma-involved sa game-fixing,” pahayag ni Mitra, dating Palawan Governor at Congressman.

 

Kamakailan, mismong si Senador Manny Pacquiao ang naglahad ng game-fixing sa kanyang liga kung saan nasa National Bureau of Investigation (NBI) na ang kaso. (E.Rollon/Ara Romero)

Other News
  • Malaking bahagi ng Pilipinas, makararanas ng mas matinding tag-tuyot hanggang Mayo 2024

    TINATAYANG  77% ng mga lugar sa pilipinas ang tatamaan ng mas matinding tagtuyot hanggang sa katapusan ng Mayo ng susunod na taon.     Sinabi nii Science and Technology Secretary Renato Solidum sa press briefing sa Malakanyang, ito ang lumabas sa weather patterns na kanilang inobserbahan para paghandaan ang mga epekto ng El Nino phenomenon. […]

  • CHYNNA, nag-tweet na para matuldukan kung sino man ang gumagawa ng tsismis na COVID-19 positive ang buong pamilya

    NA–TSISMIS or may nagtsi-tsismis pala na kesyo may COVID-19 daw ang buong pamilya ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.     Meaning, si Chynna, ang mister niya na si Kean Cipriano at ang dalawang anak nina na sina Stellar at Salem.           Hindi pa namin nakakausap si Chynna habang isinusulat ‘to kaya […]

  • Tuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Cardo Dalisay: CHARO, pasok na sa ‘FPJAP’ at kaabang-abang magiging karakter

    SO, hindi pa rin matatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil may bagong papasok na kaabang-abang ang karakter na gagampanan ni Ms. Charo Santos-Concio.     Sa teaser na inilabas ng Dreamscape Entertainment, ini-reveal ang pagpasok ng award-winning actress sa teleserye ni Coco Martin na nantunghayan na kagabi (June 17), na sinasabing, “Isang babae ang magsisilbing […]