Bato Dela Rosa, hinikayat na magpakatotoo ukol sa pondong ginamit sa ‘rewards system’
- Published on October 19, 2024
- by @peoplesbalita
Hinikayat ni Quad Comm co-chair Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ng Manila si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ibunyag ang naging legal basis sa pagpapalabas ng karagdagang allowances para sa mga pulis na sangkot sa war on drugs. Ng nakalipas na administrasyon.
“Kung totoo mang allowances ito, it raises more questions than answers. May memo ba ito from the PNP? May approval ba ito ng relevant government agencies like DBM? Dumaan ba ito sa Kongreso, kasi kung totoong intel funds ito, pondo ito ng bayan,”ani Abante, chairman ng House Committee on Human Rights.
Una nang kinumpirma ni PCSO General Manager Royina Garma sa kanyang testimonya ang pagkakaroon ng “rewards system” sa mga pagpatay na kahalintulad sa “Davao model.”
Ayon kay Garma, ang direktiba para sa pagpapatupad ng naturang sistema ay direktang nagmula umano kay dating Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Sinabi pa ni Garma na ang cash rewards ay dumaan sa bangko at sangkot ang ilan umanong personalidad mula sa tanggapan ni dating Special Assistant to the President at ngayon ay Senador Bong Go.
“Assuming that these are allowances, then Sen. Bato needs to answer these questions: were there ng safeguards in place to ensure that these allowances were used for legitimate operational needs? How was the distribution of these funds monitored to prevent misuse or the incentivization of violence?” pagtatanong ni Abante.
Bilang dating hepe ng PNP, dapat linawin at palawigin ni Dela Rosa ang sistemang ipinatupad ng PNP noon kanyang kapanahunan upang maiwasan ang pang-aabuso ng mga opisyal na posibleng inakala na ang naturang cash payments ay isang uri ng pabuya o rewards sa kanilang agresibong aksyon.
Nanawagan pa ang mambabatas kay dela Rosa na dumalo sa hearings ng komite upng sagutin ang mga tanong. (Vina de Guzman)
-
Administrasyong Marcos, kumpiyansang maibababa ang poverty rate sa 9% sa taong 2028
KUMPIYANSA ang administrasyong Marcos na maibababa nito ang poverty rate sa 9% sa taong 2028. Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang 9% goal sa taong 2028 ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagpapalago sa “higher level, “enhancing the quality of growth through the creation of quality jobs and […]
-
MAIMPLUWENSYANG ONE CEBU IBINIGAY ANG SUPORTA KAY BBM
HALOS tatlong linggo na lamang bago ang halalan sa Mayo 9, pormal nang inindorso ng pinakamalaking political party sa Cebu province na One Cebu (1-Cebu) ang kandidatura ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nitong Martes ng hapon. “One Cebu Party has the honor of announcing its decision to endorse the presidential bid […]
-
2 Driving Schools sinuspinde ng LTO dahil sa pamemeke ng TDC, PDC Certificates
NAGBABALA si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II sa mga driving school at accredited na klinika ng ahensya na medical clinics na umiwas sa anumang ilegal na gawain na maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng publiko sa kalsada. Ito ay matapos masuspinde nang 30 araw ang operasyon […]