• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bayang karerista nabanas

MASAGWA ang pag-umpisa ng karera ng mga kabayo nitong Setyembre 6 sa Metro Manila Turf Club sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

 

Naging problema ang tayaan, atrasado pagtakbo ng unang karera na sa halip alas-12:00 nang tanghali pasado ala-1:00 nang hapon na bago napasibat ang mga pangarera.

 

“Masyado kasing minadali, inumpisahan nila ang karera pero ‘yung tayaan hindi  inayos, ‘di tuloy nila mapatakbo ang Race 1 kasi maliit pa ang sales,” galit na namutawi sa taga-Tondo, Maynila na kareristang si Mansuelo Payatas.

 

“Mga hindi nag-iisip. Sana habang nagre-request sila na buksan ang karera ay inasikaso na nila ang mga kailangan kagaya ng tayaan,” asar na post ni AR Jose sa Karera Facebook page.

 

Kahit pinahintulutan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na buksan ang karerahan, bawal pa rin ang mga Off-Track Betting stations.

 

Tinatawagan ng OD ang mga kinauukulan, katulad ng Philippine Racing Commission (Philracom) at host racing club na maayos ang mga suliranin sa pagpasok sa ikalawang linggo ng bukas ng  horseracing.

 

Kawawa naman ang mga Bayang karerista, lalo na ang mga dumayo pa mula sa Metro Manila.

 

Inaasahan ko po pong makakarating sa mga awtoridad ang hinaing at agad ding maaksyunan ang mga problema.  (REC)

Other News
  • Kaya napilitang kasuhan ang dating kaibigan: AVEL, hiyang-hiya sa First Family dahil nadadamay sa paninira ng vlogger

    MARIING itinanggi ng kampo ng sikat na Filipino fashion designer na si Avel Bacudio ang mga paninira umano ng dati niyang matalik na kaibigan at vlogger na si Claire Contreras na kilala rin bilang Maharlika. Sa katunayan, pareho nilang sinuportahan ang Uniteam ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte noong 2022 […]

  • 4 drug suspects, laglag sa higit P.4M droga sa Navotas

    UMABOT sa mahigit P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat drug suspects, kabilang ang dalawang high value matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.     Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jayson”, 43, (listed/pusher) at alyas “Matey”, […]

  • PBBM, dumating na sa LAO PDR para sa ASEAN SUMMIT

    DUMATING na sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa Wattay International Airport para sa four-day 44th at 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic of Republic.     Dumating ang Pangulo kasama ang Philippine delegation sa airport ng  *3:16 PM* local […]